Sean's POV
"That was fun, pare! Iba ka talaga!" natatawang sabi ni Vincent sa kanya nang magkita sila sa campus.
Kinuwento niya rito kung paano siya nakatakas sa bahay ni Ashley. 1st year college student ito sa SMU. Hindi niya maalala kung anong course. O sadyang hindi niya talaga alam. Nakilala niya lang si Ashley sa party ng pinsan niyang si Bryan. Pagkatapos nun, inaya na siya nito sa bahay nila.
Hindi na siya bata para hindi maintindihan kung bakit siya inaya. Bakit pa siya tatanggi? Grasya na nga ang lumalapit.
"Paano kung nahuli ka? Lagot ka sa daddy niya!" natatawa pang sabi ni Vincent.
"Lagot talaga! Baka maikasal pa ako!" irita niyang sagot.
Malalagot nga siya kung hindi siya mabilis na nakatakbo palabas ng bahay ni Ashley. Buti na lang nakakita agad siya ng bakod na pwedeng lusutan.
Dahil sa katakawan niya sa babae, kung anu-ano na nangyayari sa kanya.
Napangiti siya nung maalala ang pagtalon niya sa bakod. Dahil nakita niya si Samantha sa kabilang bakod.
Hindi niya ito kilala. Pero sure siya na taga-SMU ito. Nabasa niya lang sa malaking banner ang _Happy Birthday Samantha_. Kaya nalaman niya ang pangalan ng babaeng nakita niya sa kabilang bakod.
Lalo pang lumalim ang ngiti niya nung maalala niyang hinalikan niya ito. Wala sa loob na napahawak siya sa labi sa alaala na yun.
"Napaka-manyak mo talaga!" sabi ni Vincent sabay batong papel sa kanya.
"Iba ang manyak sa walang grasyang tinatanggihan," sagot niya.
Doon niya napansin ang babaeng naglalakad sa malawak na campus.
Mag-isa lang ito. Nakalugay ang katamtamang haba ng itim na buhok. Naka-nerdy glasses. Pero hindi mukhang nerd o weird. Sakto sa mukha ang frame ng chicky nerdy glasses nito.
May katangkaran ito. Hindi ganoon kaputi. Tama lang. Pero halatang makinis ang balat.
Hindi modernong damit ang suot. Sadyang hindi lang siguro uso. Simpleng puting polo na may sleeves at skirt na lagpas sa tuhod. Naka-white Keds shoes.
Kumunot noo niya habang pinagmamasdan. May bitbit itong mga libro. May malaki pang bag na nakasabit sa balikat.
"Don't tell me, pare, you want her to be your next victim," sabi ni Vincent. Nakasunod din pala ng tingin sa tinitingnan niya.
"Ah…" tangi niyang nasabi. Lumingon siya sa kaibigan.
"I know you, pare," nakangiti nitong sabi.
"Weird lang. Hindi siya mukhang nerd. Although she’s trying to look nerd," sagot niya. Nilinngon niya ulit ang babae.
Pero wala na ito sa campus. Lumingon-lingon pa siya. Hindi na niya makita.
Nagkibit-balikat na lang siya at naupo sa tabi ni Vincent.
"You know her?" tanong niya rito.
"Pare, hindi ako notorious na tulad mo. Lahat na lang ng babae kilala mo."
"Kababalik ko lang, pare. Kailangan ko ng bagong kalaro."
"Tumigil ka na nga sa paglalaro na yan. Baka ma-karma ka."
"Nope. Actually, I really like Aya. Kaso iniiwas ni Joshua," sabi niya sabay labas ng stick ng sigarilyo.
"Non-smoking area 'to," saway ni Vincent. "Kung ako ang kapatid ni Aya, iiwas ko rin siya sa notorious na tulad mo," dagdag nito sabay agaw sa stick sa kamay niya.
Alam niyang bawal manigarilyo sa loob ng campus. Hindi naman niya sisindihan. Paglalaruan niya lang sa bibig.
"As if naman kakataluhin ko kayo ni Joshua," sagot niya.
"Eh bakit mo dinidikitan?"
"Mama ni Joshua ang nagsasabi sa akin na pwede kong ligawan si Aya," sagot niya. Dahil yun naman ang totoo.
Nagtataka nga rin siya. Bakit todo tulak si Tita na ligawan niya si Aya kahit 15 pa lang ito. Dalaga na ito kung kumilos.
Kahit sinasabi nilang notorious siya at lahat pinapatulan niya, hindi naman niya sisirain ang pagkakaibigan nila ni Joshua.
Pagkatapos ng klase, kaagad niyang nakita si Ashley sa tapat ng sports car niya.
Matapos ng nangyari kagabi, ayaw na niya rito. Ano pa ba gagawin niya rito? Tapos na siya rito. Nakuha na niya ito ng ilang beses.
"Hi, Sean," bati nito nang makalapit siya sa kotse na sinasandalan ni Ashley. Alam niyang sinadya siya nitong hintayin.
"What are you doing here?" matamlay niyang tanong. Pinapakita niyang wala na siyang interest. Tapos na sila.
"Don't you miss me?" maarteng tanong nito sabay hawak sa kwelyo ng polo shirt niya.
Mabilis niyang inalis ang kamay nito.
"Don't you know my rules?"
"What rules, Sean?" kunot-noo nitong tanong.
"Once is enough. Twice is too much," sagot niya.
"What do you mean?"
"Game over, Ashley. Find another guy. I will find a new girl," sabi niya sabay ngiti. Tinalikuran niya ito at sumakay sa kotse.
Kitang-kita pa niya ang gulat sa mga mata ni Ashley.
Sanay na siya sa mga tulad ni Ashley. Alam niyang sinusubukan siya nitong i-hook. Pero mas matalino siya. Pasimula pa lang, tapos na sa kanya.
Papalabas na siya ng gate nang makita niya ulit ang babaeng umagaw ng atensyon niya kanina.
Nakaupo ito sa guard house. Marahil naghihintay ng sundo.
Binagalan niya ang pagmamaneho para mas matagal niya itong makita.
Mas malapit ngayon. Kaya kitang-kita niya kung gaano kaganda ang mga mata nito. Bilog na bilog. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Makapal ang labi. Yung uso ngayon sa mga celebrities. Yung iba nagpaparetoke pa para lang ma-achieve yung pout lips na meron ang babaeng tinitingnan niya.
Isama mo pa na naka-braces ang ngipin nito.
Ayaw niya sa mga babaeng may braces. Pero kagabi, nang halikan niya si Samantha, masasabi niyang nagustuhan niya ang mga babaeng may braces.
Alam niyang hindi aware ang babaeng tinitingnan niya kung gaano siya kaganda kahit walang make-up. Mas gusto niya sa babae ang natural beauty. Hindi yung puro foundation na lang ang mukha.
"Is that Samantha?" tanong niya sa sarili.
May pagkakahawig kasi ito sa babaeng hinalikan niya kagabi sa kabilang bakod ng bahay ni Ashley.
Gusto pa sana niyang pagmasdang mabuti. Pero binubusina na siya sa likod.
Kaya binilisan niya ang pagpapatakbo.
Marami pa namang araw para makilala niya ito.
At kung ito nga si Samantha…
Well, he found his new playmate.