Samantha's POV
"Sorry, Sam. Ang tagal kasi ni Mr. Perez magpalabas eh," bungad ni Harvey nang lapitan siya sa guard house.
Sam ang tawag sa kanya ng mga malapit sa kanya. Pati ilang kaeskwela. Bihira lang ang tumatawag sa kanya ng Samantha.
May usapan kasi sila ni Harvey na magkikita sa guard house. Para pumunta sa Ice Cream House. Sabay ihahatid na rin siya nito.
"It's okay," nakangiti niyang sagot.
Kaibigan niya si Harvey Dela Serna. Magkaibigan na sila mula pa pagkabata. Minsan nga tinutukso na siya ng mommy niya kay Harvey. Pero pareho na lang nilang binabalewala. Ayaw nilang masira ang meron sila. Magkapatid ang turingan nila.
Isa pa, maraming magagalit sa kanya pag naging sila ni Harvey.
3rd year engineering student si Harvey. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Alam niyang maraming naghahabol na babae dito. Hindi lang dahil gwapo ito. May kaya rin ito sa buhay. Mabait. Gentleman. At hindi kababaero.
Siguro dahil may kapatid din itong babae. Si Hainna Dela Serna. Ang bunso sa tatlong magkakapatid na Dela Serna.
"Let's go," anyaya nito. Dinampot nito ang mga libro niya sa mesa.
"Sorry pala. Last Saturday hindi ako naka-attend sa debut mo. Si Hainna kasi nagpasama sa Maynila. Ang traffic kaya hindi na ako nakaabot," paumanhin nito habang naglalakad sila papunta sa Montero nito.
Nalungkot siya nang hindi ito naka-attend sa birthday niya. Pero ganoon pa man, may isang pangyayari naman nung gabing yun na hindi niya makakalimutan kahit kailan.
_Her first kiss with Mr. Sean Monteverde._
Napahawak siya sa labi nung maalala ang paghalik ni Sean sa kanya. Napangiti siya. Napasulyap sa labas ng bintana.
Alam niyang balewala lang kay Sean ang halik na yun. Dahil sa pagiging babaero nito. Baka nga hindi na nito maalala na nahalikan siya.
Pero ikinatuwa niya nung sabihin ni Sean ang pangalan niya. _Samantha._
Nagtaka pa siya kung bakit alam nito ang pangalan niya. Hindi naman siya hot tulad ng mga babaeng kilala nito sa SMU. Pero sobrang ikinatuwa niya yun.
"Why are you smiling?" tanong ni Harvey. Lumingon ito sa kanya. Nakangiti habang nakatingin sa kanya.
"Nothing," sagot niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Inayos niya ang salamin sa mata. Tapos binalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Did I miss something at your party?" tanong ni Harvey pagdating nila sa Ice Cream House.
"Nothing special," mabilis niyang sagot.
Kahit kaibigan niya si Harvey, hindi niya pa rin basta-basta masabi ang tungkol kay Sean. Nahihiya siya. Isa pa, lalaki ito. Baka sabihin pa nito na bakit big deal sa kanya ang simpleng halik ni Sean.
"Wala ka bang nakilalang espesyal nung birthday mo?"
"Huh?" gulat niyang tanong. Muntik pa siyang masamid.
"Bakit gulat na gulat ka?" natatawang tanong nito habang kumakain ng ice cream.
"Wala. Wala naman," mabilis niyang sagot.
Sino ba naman ang makikilala niya sa debut niya? Mga kaeskwela lang at ilang anak mayaman na inimbita ng mommy at daddy niya. Para daw makilala siya. Baka sakaling mapansin siya.
Yun ang madalas niyang ikinaiinis sa mga magulang niya. Parang atat na atat na magka-boyfriend siya ng mayaman.
Hindi naman siguro sila gagapang sa hirap kung sakaling mahirap lang ang maging boyfriend niya.
"Akala ko pa naman may ikukwento ka na sa akin na manliligaw mo," sabi nito. Kumuha ng ice cream sa bowl niya.
Hindi niya ito sinaway. Sanay na siya sa ganung kilos ni Harvey.
"Asa ka pa! Mukhang wala na nga akong pag-asa eh," nakasimangot niyang sagot. Inilayo niya ang bowl ng ice cream sa kanya.
Nawalan na siya ng ganang kumain. Pakiramdam niya kasi, walang nagkakagusto sa kanya.
Hindi naman siya pangit. Yun nga lang, hindi rin siya kasing ganda ng mga naggagandahan sa SMU. Yung mga parang model kung manamit at magdala ng sarili.
Samantalang siya, walang lakas ng loob magsuot ng mga modernong damit. Masaya naman siya sa suot niya. At least komportable siya.
Pero minsan nangangarap din siya na pagtinginan siya ng mga gwapong kaeskwela habang naglalakad sa campus. Parang ang sarap sa pakiramdam nun.
Pero yun lang. Isa lang yun sa libong pangarap niya sa buhay.
"Sam, you're beautiful with a classy attitude," sabi nito. Pinisil pa siya sa pisngi.
"If I am beautiful, then bakit hanggang ngayon wala pang nanliligaw sa akin?" nakasimangot niyang tanong.
Gusto na talaga niyang maranasan ang maligawan. Yung may pupunta sa bahay nila na may dalang bulaklak at chocolates. Pagkatapos, ihahatid at susunduin siya sa SMU. O kaya kakain sila sa labas bago umuwi.
Parang ang sarap sa pakiramdam ng ganun. Pero kailan niya yun mararanasan?
"Come on. 18 ka pa lang. Huwag kang magmadali. Who knows, parating na si Prince Charming mo."
"Paasa ka naman eh! Ilang taon mo nang sinasabi sa akin yan?" taas-kilay niyang tanong.
Tuwing nag-uusap sila tungkol sa ganito, yun lagi ang sagot nito. _Huwag kang magmadali. Parating na si Prince Charming._ Mga pampalubag-loob lang.
"Sam, hindi kita pinapaasa. Darating din siya soon," sagot nito. Kinindatan pa siya.
"Ewan ko sayo," nakasimangot niyang sagot.
Si Harvey lang ang kaibigan niya. Wala siyang kaibigang babae. Kaya dito lang siya nagsasabi ng mga nararamdaman niya. Kahit madalas hindi siya nito naiintindihan.
Ewan niya kung bakit ang hirap sa kanya makipagkaibigan sa mga kaklaseng babae. Para siyang walang tiwala sa kanila. O baka na-i-insecure lang siya. Lalo na pag maganda at malakas ang dating.
Kaya hindi na lang siya nakikipagkaibigan. Bahay-eskwela lang siya. At kung mamamasyal sa labas, si Harvey lang ang kasama niya. Wala nang iba.
Tulad ngayon. Nasa Ice Cream House sila. Para silang nagde-date dahil karamihan ng mga nandun, couples. Sila, friendly date lang.
At nagpapasalamat siya dahil laging may oras sa kanya si Harvey.
"Bye, Harvey. Thank you for the ride," paalam niya nang makababa na siya ng kotse.
"Anytime," sagot nito.
Tumalikod na siya para pumasok sa gate ng bahay nila. Napansin niya si Ashley. Kapitbahay nila. Kabababa lang ng magarang sasakyan sa tapat ng gate nito.
Napatingin siya. Naalala niya si Sean. Marahil si Ashley ang kasama nito nung gabing tumalon ito sa bakod nila.
Pasimple niyang sinilip kung si Sean ang naghatid kay Ashley. Pero hindi. Ibang lalaki ang kasama nito.
Napalunok siya habang pinagmamasdan si Ashley. Maganda ito. Blonde ang kulot na mahabang buhok. Naka-fitted white blouse with leather jacket. Black skirt with black stockings. At red killer heels.
Marahil ganito ang tipo ni Sean. Fashionista. Halos litaw na ang kaluluwa.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Napunta sa lalaking kausap ni Ashley ang mga mata niya. Gwapo rin ito. Funky ang style. Malayo sa neat pero astig na style ni Sean.
"What do you want?" mataray na tanong ni Ashley. Marahil napansin nito na kanina pa siya nakatitig.
"Ah... nothing," iling niyang sagot. Mabilis niyang tinulak ang gate papasok.
"Loser," narinig pa niyang sabi ni Ashley bago siya tuluyang makapasok.
"b***h," mahina niyang bulong. Natakpan pa niya ang bibig niya. Nabigla sa nasabi niya.