Samantha - 1

934 Words
"Happy birthday, Samantha!" Yun na lang ang paulit-ulit niyang naririnig sa mga nakakasalubong niya. Ngumingiti siya at nagpapasalamat sa bawat bati. Siya si Samantha Cruz. 18th birthday niya ngayon, at hindi niya in-expect na malaking party pala ang ibibigay ng mga proud parents niya. Hiniling niya na simpleng debut lang. Masaya na siya dun. Pero engrandeng debut ang inayos ng mga ito. Hindi na siya nagulat. She knows her parents. They always want attention. Sa malawak na bakuran nila ginawa ang party. Blue and pink ang motif. Ang mga balloons, mesa, upuan—lahat ng pwedeng kulayan ng blue at pink. Pati dalawa niyang gown, pink at blue din. Napilitan pa siyang magsuot ng high heels. First time. Ayaw na ayaw niya ng ganun. Mas gusto pa rin niya ang Keds o Converse niya. Ang lagi niyang suot sa kahit anong okasyon. Isama mo pa ang make-up. Ang kapal sa pakiramdam niya. Lalo na sa mata. Hindi siya sanay. Pati ang buhok niyang tuwid at mahaba, inayos din. Ang bigat sa ulo. Kanina pa sumasakit mga paa niya. Kanina pa rin siya sinasayaw ng mga bisita. Mga kaeskwela, ilang kilala sa Bayan ng San Miguel. Sa Munisipyo ng San Miguel nagtatrabaho ang daddy niya. Nurse naman ang mommy niya sa Doña Feliza Hospital. Hindi naman sila mayaman, pero pinipilit ng mga magulang niya na makasabay sa mga kapitbahay nila. Last year lumipat sila sa Tragora Subdivision. Exclusive subdivision sa San Miguel. Pagmamay-ari ng mga Tragora. Sila ang pinakamayaman sa bayan. Alam niyang matagal nang pangarap ng mga magulang niya yun. Kaya todo sikap sila. At hindi sila nabigo. Halos isang taon na sila dun. Kasama ang dalawa niyang kapatid. Isa nasa elementarya, isa nasa high school. Siya, 2nd year college na. Tourism. Sa San Miguel University din silang tatlo. Kahit kapos, pinipilit pa rin ng mga magulang niya na dun sila pag-aralin. Sabi ng mommy niya, para makasalamuha sila ng mga mayayaman sa bayan. Madalas pa siyang pinipilit ng mommy niya na mag-ayos at magpaganda pagpasok sa SMU. "Para mayamang makapansin sayo." O kaya para mapansin siya ni Joshua Tragora. Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Tragora. Kilala niya si Joshua. Lahat ng babae dun, yun ang crush. Gwapo at mayaman. Pero hindi siya umaasa na mapapansin siya nun. Minsan naiisip niya, may mali sa ginagawa ng mga magulang niya. Tulad ngayon. Ang laki ng gastos sa debut niya samantalang kapos sila. Para sa kanya, kahit simple lang, okay na. Pero para sa mga magulang niya, okay lang gumastos. Basta maimbitahan lahat ng mayayamang kapitbahay. Basta mapansin sila. Bumuntong-hininga siya at naupo sa gilid ng flower box ng mommy niya. Pagod na talaga siya sa high heels. Naiinis na rin siya kakapanood sa mga magulang niya na pilit nakikisabay sa mga bisitang mayayaman. "Aray," bulong niya. Itinaas niya ang isang paa at minasahe. Hindi talaga siya sanay. Kung hindi lang nakabantay si Mommy kanina, ang puting Keds niya na sana ang suot. Sa haba naman ng gown, hindi rin naman makikita. "Anong oras ba matatapos ang party?" tanong niya sa sarili. Laylay ang balikat niya habang tinatanggal ang sapatos. Lumayo muna siya sa ingay. Masakit na talaga paa niya. "Damn." Napalingon siya. May narinig siyang boses. May tumalon mula sa bakod nila. May naaninag siyang lalaki malapit sa pader. Napatili siya. Sinulyapan lang siya nito. Nanlaki mga mata niya. Walang pang-itaas. Sinasara pa nito ang zipper ng pantalon. Pagkatapos, sinuot ang t-shirt at sinuklay ang buhok na nagulo. "What are you doing?" tanong niya. Nanlalaki pa rin mga mata niya. Walang pakialam ang lalaki. Nagbibihis lang sa harapan niya. Medyo madilim kaya hindi niya masyadong makita ang hubad na katawan nito. Tumayo siya para makalapit. "Hi, sweetheart," bati nito. Nakangiti. Lumapit sa kanya. "Sweetheart?" ulit niya. "Sorry ha. Naistorbo ba kita?" tanong nito. Hindi sinagot ang tanong niya. Panay pa rin suklay sa buhok. Sinulyapan pa ang bakod na pinanggalingan. Kumunot noo niya. Saan ba nanggaling ito? Bakit walang damit kanina? "Bakit ka tumalon sa bakod?" tanong niya. Sa ilalim ng ilaw, mas nalinawan siya. Matangkad. Medyo chinito. Maliit lang ang mata. Nakakunot pa. Matangos ang ilong. Sakto ang kapal ng labi. Napasinghap siya nung tuluyan niyang makilala. Estudyante ito sa SMU. Hindi niya alam kung anong course o year. Pero lagi itong kasama ni Joshua Tragora. Sean Monteverde. Isa sa mga notorious sa SMU. Ang balita halos naka-date na nito kalahati ng mga estudyante. Walang pinipili. Kahit high school daw, pinapatulan basta maganda. "Long story, sweetheart," sagot nito. Sabay kamot sa batok. Tiningnan siya. Para lang ngayon napansin na naka-gown pala siya. Lumalim ang kunot sa noo nito. "Bakit?" irita niyang tanong. Sabay taas ng kilay. "Well, I thought I knew you. I guess I was wrong," sabi nito. Hawak pa rin ang ibabang labi. Sumimangot lang siya. Hindi niya kailangan magpakilala. Sigurado rin siya na sa Lunes hindi na siya nito maalala pag nagkasalubong sila sa campus. Iba kasi ang itsura niya ngayon. Hindi ito ang normal niyang sarili. "Your birthday?" tanong nito. Lumingon sa maliwanag na ilaw sa di kalayuan. Tapos binalik ulit sa kanya ang tingin. Tumango siya. Wala sa loob. Pinagsalikop niya mga kamay sa dibdib. Gusto niyang itanong kung bakit tumalon ito sa bakod nila. Bakit walang damit. Saan galing. Anong nangyari. "I see. Happy birthday, sweetheart," bati nito. Nagulat siya nang hawakan siya nito sa mukha. At walang sabi-sabi, hinalikan siya sa labi. Saglit lang. Naramdaman lang niya ang labi nito sa kanya. Nanlaki mga mata niya. Gulat at bigla. Nung binitiwan siya, tulala lang siya. Hindi makapagsalita. Nakatingin lang. "Bye, Samantha," paalam nito. Tapos tumakbo na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD