Sean's POV Pumasok siya sa guest room kung saan niya pinatulog si Samantha. Napasulyap siya sa sofa. Alam niya. Sigurado siya. Kayang-kaya niyang makuha si Samantha nang walang kahirap-hirap. Kagabi, sa mismong sofa na yun. Pero hindi niya ginawa. Malaki ang pinagtimpi niya para huwag ituloy ang balak niya kay Samantha. Kahit siya nagulat sa sarili kung paano niya nagawang pigilan ang sarili na huwag angkinin si Samantha. Kilala niya ang sarili. Basta babae, hindi niya tinatanggihan. Pero kay Samantha, may kakaiba. Hindi niya maipaliwanag. Sa kauna-unahang pagkakataon, kapakanan ng babae ang inisip niya. Hindi ang pansariling kaligayahan. Naupo siya sa kama kung saan niya inihiga si Samantha kagabi. Siya pa ang buhat sa kanya papunta sa malaking kama. Hindi na kasi nito nakuhang

