Samanthan - 7

1363 Words
Samantha's POV Masakit ang ulo niya nang magmulat ng mga mata. Pakiramdam niya umiikot ang buong paligid. Sinalo niya ang nanakit na ulo at dahan-dahang naupo sa malaking kama na kinahihigaan niya. Napasandal siya sa headboard. Kinapa ang salamin sa side table. Mabilis niyang sinuot yun at iginala ang mga mata sa silid. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala siya sa sariling silid. Off-white ang kulay ng buong paligid. Kumpleto sa mga modernong gamit. At mukhang lahat mamahalin. Kumunot ang noo niya. Pilit niyang inaalala kung nasaan siya. "Oh God!" bulalas niya nang maalalang pumunta siya sa party ni Sean kagabi. At niyaya siya nitong uminom. Naalala niyang hindi siya nakatanggi kay Sean. Hindi niya maalala kung nakarami ba siya. Nalasing ba siya? Naalala rin niyang pumasok sila ni Sean sa isang silid. Naupo sila sa sofa. Mabilis niyang nilingon ang sofa sa tabi ng malaking TV. Nanlaki lalo ang mga mata niya nang makita sa ibaba ng sofa ang sapatos niya. Kinabahan siya. Takot na takot niyang niyuko ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang suot pa rin niya ang itim na dress. Black sleeveless dress ang pinili niyang isuot sa unang party niya. Naalala kasi niyang sabi ni Serena sa Gossip Girl season one kay Jenny Humphrey na black dress daw ang isuot pag a-attend ng unang party. _Because black is elegant and classy._ Although hindi ganun kaganda ang black dress niya, kumpara sa mga suot ng mga babae sa party ni Sean. "Sean," bulong niya. Natakpan niya ang bibig nang maalala ang halikan nila ni Sean. Natatandaan niyang hinalikan siya ni Sean sa sofa. O tama, siya ang humalik kay Sean. Muli siyang napasulyap sa sofa. Inaalala ang eksena nila kagabi. "Oh no," bulong niya. Muli niyang sinuri ang sarili. Pinakiramdaman ang katawan. Tinatanya kung may masakit. Wala naman siyang kakaibang nararamdaman. Ang ulo lang ang masakit. Marahil napa-dami ang nainom niya. Bumuntong-hininga siya. Mabilis siyang bumaba ng kama. Dinampot ang mga sapatos sa tabi ng sofa. Halos takbuhin na niya ang pinto palabas ng silid. Pagbukas niya ng pinto, natigilan siya. Hindi niya alam kung saan pupunta. Ang lawak ng pasilyo. Ang dami ng pintuan. Ngayon lang niya napansin kung gaano kalaki ang bahay ni Sean. Kilala niya ang mga Monteverde. Isa rin ito sa mga may pangalan sa bayan nila. Sa pagkakaalam niya, may mga negosyo ang mga ito sa ibang bansa at sa Maynila. Kaya panay alis ng mag-asawang Monteverde sa San Miguel. Kung hindi siya nagkakamali, kakabalik lang din ni Sean ng San Miguel. Sa London daw ito nag-aaral. Ngayon lang ulit ito bumalik. Naglakad siya pakanan. Hinanap ang hagdan pababa. Hindi na siya dapat makita pa ni Sean. Nakakahiya ang mga nangyari kagabi. Dahil sa alak na nainom niya. Hindi naman talaga siya umiinom. Napilitan lang siya dahil kay Sean. Pagkakita niya sa hagdan, tumakbo siya pababa. Yung hagdan na parang pang-palasyo. Hinihingal na siya nang makababa. Ginala niya ang paligid. Magulo pa sa buong sala. Puno ng bote ng beer at kung ano-ano pang kalat. Pero wala siyang makitang tao. Hinanap niya ang pinto palabas. Pero bago pa siya makalapit sa malaking pinto, nakita niya si Sean. Kakalabas lang mula sa isang pinto. Hindi siya sigurado kung anong pinto yun. Nanlaki ang mga mata niya. Napatingin dito. Napalunok siya habang pinaglalandas ang mga mata sa katawan nito. Walang pang-itaas. Tanging black boxer lang ang suot. Lumakas ang t***k ng dibdib niya. Hindi maalis ang mga mata sa gwapong kaharap. "Samantha," tawag ni Sean. May kakaiba ulit siyang naramdaman nang banggitin nito ang pangalan niya. Pinatigas niya ang mukha. Kailangan niyang magalit dito para matakpan ang kahihiyang ginawa niya kagabi. Inayos niya ang salamin sa mata. "I'm leaving!" matigas niyang sabi. Inis niyang binagsak ang sapatos sa makintab na tiles. "You are?" sarkastiko nitong tanong. "Last night was a mistake!" sabi niya. Pinipigil ang panginginig ng boses. Yumuko siya para isuot ang sapatos. "Mistake? You enjoyed it," sagot nito. Marahas siyang nag-angat ng ulo. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Alam niyang hindi mangyayari yun kung hindi siya nito pinilit uminom. Pinilit nga ba siya? "I never—" "Sir! Sir!" tarantang tawag kay Sean ng isang lalake na tumatakbo papasok ng bahay. Umagaaw ito sa atensyon ni Sean. Hindi niya natuloy ang sasabihin niya. "What?" iritang tanong ni Sean. Marahil boy ng bahay. Sinulyapan niya si Sean. Kahit nakakunot ang noo, gwapo pa rin itong tignan. Bumuntong-hininga siya. Sinimulan niyang isuot ang sapatos. Hindi niya maalala kung paano ito natanggal sa kanya kagabi. "May naghahanap po sa inyo sa labas. Galit na galit, Sir," sumbong ng lalaki kay Sean. "Sinong lalaki?" tanong ni Sean. "Dela Serna daw po," takot na sagot ng lalaki. Napatingin siya. Nanlaki ang mga mata niyang napasulyap kay Sean. Nagkatinginan sila. Nakita niyang gumalaw ang panga nito. Bakas ang galit sa mukha. "Harvey," bulong niya. Binilisan niya ang pagsuot ng sapatos. "Papasukin mo," utos ni Sean sa lalaki. Dali-daling tumakbo palabas ang lalaki. "Oh my God," bulong niya. Tumayo siya matapos maisuot ang sapatos. Sinuklay ng kamay ang nagulong buhok. Inayos ang suot na dress. "Hinahanap ka na ni Dela Serna," sabi ni Sean. Hindi siya kumibo. Nakita niya si Harvey na papasok ng pintuan. Galit ang nasa mukha. Napagat siya ng labi. Alam niyang pinagbilinan siya ni Harvey na mag-iingat kay Sean sa party. Pero anong ginawa niya? Unang party pa lang niya, natulog na siya sa mismong bahay ni Sean. Ano na lang ang iisipin ni Harvey sa kanya? O ano na lang ang iisipin ng mga makakaalam na sa bahay ni Sean siya natulog? "Sam, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Harvey. Lumapit ito sa kanya. "Yeah," tanging nasagot niya. "Anong ginawa mo?!" galit na tanong ni Harvey kay Sean. Nagulat pa siya. Bago pa siya makareact, mabilis nang nakalapit si Harvey kay Sean. Tinulak sa balikat. Hindi man lang natinag si Sean. "Harvey!" tili niya. Mabilis siyang lumapit. Hinila sa braso si Harvey para ilayo kay Sean. "I know you, Sean!" tagis-bagang na sabi ni Harvey. Sinulyapan ang suot ni Sean na tanging itim na boxer lang. "What happened between us is not your f*****g business, Dela Serna," galit na sagot ni Sean. Sinulyapan siya. Nagtama ang mga mata nila. Wala sa sarili siyang dumikit sa katawan ni Harvey. Nakaramdam kasi siya ng takot kay Sean. "f**k you!" galit na sigaw ni Harvey. Marahas niyang hinila ang braso niya. Lumakad papunta sa pinto. "Ah... Harvey," tawag niya. Halos kaladkarin na siya nito palabas ng bahay ni Sean. Sinulyapan niya si Sean. Nakatayo pa rin. Nakatingin sa kanya. Galit din ito, tulad ni Harvey. Bumuntong-hininga na lang siya. "What happened?" tanong ni Harvey habang binabaybay nila ang daan pauwi. "Nothing happened," sagot niya. Liningon niya ito. "Are you sure?" paninigurado pa nito. "Harvey! Of course I am. I know if we... he..." Hindi niya alam kung paano sasabihin. Kung ano ang tamang salita para dun. Sigurado ba siya na walang nangyari sa kanila ni Sean? Gaano siya kasigurado na walang ginawa sa kanya si Sean? Kilala si Sean. Babaero. Playboy. Lahat ng babae pinapatulan. May maniniwala ba sa kanya kung natulog siya sa bahay ni Sean at sasabihing walang nangyari? "I believe you," sagot ni Harvey. Nakatutok pa rin sa kalsada ang tingin. "Yeah..." tanging sagot niya. Nakita niya sa mga mata ni Harvey na naniniwala ito sa kanya. "I called your Mom last night. Sabi ko sa bahay ka natulog." "What?" gulat niyang tanong. Masyado yatang busy ang isip niya kakaisip kung ano ang nangyari sa kanila ni Sean. Hindi niya naalala ang mga magulang. Ano ang sasabihin ng mga ito? First time na hindi siya umuwi. Alam niyang nag-alala ang mga ito sa kanya. "Hinanap kita kagabi. But I guess Sean hid you somewhere," sabi nito. Hindi siya kumibo. Alam niyang makikita siya ni Harvey kung hindi siya tinago ni Sean. Tinago ba siya ni Sean? "Tinatawag kita. Then namatay ang cellphone mo," patuloy nito. "My phone!" usal niya. Naalala niya ang purse na bitbit niya kagabi. Nandun ang cellphone niya. At ilang gamit pa. "Where's your phone?" tanong nito. "I forgot my purse at Sean's house," bulong niya. Napakagat labi siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD