Samantha - 6

1358 Words
Sean's POV "Really, napapayag mo siyang umattend ng party mo tonight?" tanong ni Vincent habang naglalakad sila sa campus. "Yes, and no doubt she will be mine tonight," mayabang niyang sagot. "Be careful, pare. Isang Dela Serna ang may hawak sa kanya, gaya ng sabi mo." "I guess magkaibigan lang sila," sagot niya. Dahil kung may relasyon si Samantha kay Harvey, malalaman niya agad yun. At kitang-kita niya kay Samantha na may epekto siya rito. Halata ang pagkatranta at pagkailang nito sa kanya. Ramdam niyang na-i-intimidate sa kanya si Samantha. At lihim niyang ikinatutuwa yun. "Still, you need to be careful. Baka balikan ka," paalala ni Vincent. Ngumiti lang siya. Sanay na siya na nagkaka-aberya sa mga babaeng tina-target niya. At lahat naman ng yun nalulusutan niya. At kung sakaling makialam si Dela Serna sa plano niya kay Samantha, wala siyang magagawa kundi banggain ito. Kinagabihan, kaagad niyang pinaayos sa mga kasambahay ang bahay dahil magpa-party siya. Pinatago ang mga mamahaling paintings na koleksyon ng mama niya. Pati mga mamahaling flower vase at kung ano pa na pwedeng mabasag habang nagpa-party animals sila. Wala ang mama at papa niya. Nasa London ang mga ito. Bihira umuwi ng San Miguel ang mga magulang niya dahil busy sa negosyo. Kaya madalas mag-isa lang siya sa bahay nila sa San Miguel. Tanging kasama lang niya ang mga kasambahay na malapit na sa mga magulang niya. At alam niyang hindi nagsusumbong ang mga kasambahay sa mama at papa niya. Dahil tuwing may party siya sa bahay, pati sila hinahayaan niyang maki-join. "Paki-ayos na rin po pala ang guest room, Manang Ludy," utos niya. Dun niya balak dalhin si Samantha mamaya. Napangiti siya at hinawakan ang labi. Halos isang linggo na mula nang halikan niya si Samantha. At hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip niya ang lambot ng mga labi nito. "Tonight, Samantha," bulong niya. Nakangiti. Sigurado siyang mahuhulog sa kanya si Samantha ngayong gabi. "Ang crowded, pare!" sabi ng pinsan niyang si Bryan habang umiinom sa labas ng bahay. "Always," sagot niya. Nagbuga siya ng usok ng sigarilyo sa ere. Sumulyap siya sa gate. Inaasahan niyang susulpot si Samantha. Kanina pa siya naghihintay. Pero halos lahat na ng inimbitahan niya dumating na. Wala pa rin si Samantha at Harvey. Alam niyang a-attend si Samantha. Malakas ang kutob niya. "Are you waiting for someone?" tanong ni Bryan. "Yeah," tipid niyang sagot. Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Samantha kasama si Harvey na papasok sa malaking gate. Napaka-stiff tignan ni Samantha. Marahil dahil ito ang unang party nito. Humit siya sa sigarilyo. Tinapon sa damuhan. Nagbuga ng usok sa ere. Iniabot kay Bryan ang bote ng beer. "She's here," sabi niya. Lumakad siya para salubungin sila at kunin si Samantha kay Dela Serna. "Hey!" sabi niya sa dalawa. "Sean," sabi ni Harvey. Tumango lang siya. Napunta ang mga mata niya kay Samantha. Parang gustong magtago pa sa likod ni Dela Serna. "Hi, Samantha," bati niya. Pinagmasdan niya ang suot nito. Napataas pa ang kilay niya. Black sleeveless dress na lagpas tuhod. At white Keds. Nakalugay ang buhok na tumatakip sa magandang mukha nito. Naka-nerdy glasses. Walang make-up. Lip gloss lang siguro. Ngumiti ito sa kanya. Kita ang braces. Nagkibit-balikat siya. Alam niyang mas gaganda pa si Samantha kung mag-aayos at magsusuot ng tamang damit. At kung tatanggalin ang nerdy glasses at braces. Bakit ba ang laking issue sa kanya ng braces nito? "Hello," mahinang bati ni Samantha. Alanganin siyang ngumiti. What's wrong with this girl? Bakit ang baba ng self-esteem? Walang confidence? Sinira ng attitude ni Samantha ang ganda nito. "Come on, I'll show you around," anyaya niya. Sinulyapan niya si Harvey. Kung pipigilan siya nito, huwag na nitong ituloy. "Ah..." tangi ni Samantha. Sinulyapan si Harvey. "Harvey!" tawag sa kanya mula sa di kalayuan. Lihim siyang napangiti. Isang magandang babae ang tumatawag kay Harvey. Sigurado siyang hindi ito matatanggihan ni Dela Serna. "Let's go, Samantha," anyaya niya ulit. Pasimple niyang pinatong ang kamay sa balikat nito. Napakurap ito. Ano bang problema nito? Hindi pa ba ito nahawakan sa balikat dati? Ang OA mag-react. "Have fun, Dela Serna," paalam pa niya kay Harvey na may kausap nang babae. Alanganing sumunod sa kanya si Samantha. Halatang hindi komportable sa kamay niya. Pero hindi niya pinansin. Pagdating sa loob, kaagad niyang inabutan ito ng baso ng alak. Tumanggi. Hindi daw ito umiinom. Medyo na-bo-bore na siya. Napaka-stiff nito. Pero bibigyan pa niya ng chance. "You can't enjoy the party without drinking," sabi niya. Pinilit muli ang baso. "I don't drink, really," bulong nito. Ngumiti siya. Ibinalik ang baso sa kamay nito. Wala na itong nagawa kaya tinanggap na. Samantha is really beautiful. Lalo na pag matagal mo siyang tinititigan. Lalong lumalabas ang ganda sa inosenteng mukha nito. Hindi siya nabo-bore sa ganda nito. Ang nakaka-bore lang ay ang galaw nito. Laging takot. Walang tiwala sa sarili. If he wants her to be his playmate, kailangan muna niyang turuan itong maging confident. Ayaw niya sa stiff. He never dates a stiff. "You are beautiful, Samantha," bulong niya sa tenga nito. Maingay ang tugtugin. May dahilan siya para bumulong. At gusto niyang maramdaman ni Samantha ang mainit niyang hininga. Isa yun sa strategy niya para maakit ang babae. Hindi siya nabigo. Napapikit ito at namula ang pisngi. Lihim siyang napangiti. Game on, Monteverde. "You want another drink?" tanong niya nang makaakyat na sila sa guest room. Naka-tatlong baso na ito. Maya-maya lang, tipsy na ito. Wala siyang balak lasingin si Samantha. Gusto lang niyang mag-enjoy ito. Maranasan ang mga bagay na hindi pa nito nararanasan. "No!" bulong nito. Sinandal ang ulo sa malaking sofa. "Don't tell me, lasing ka na," natatawa niyang tanong. Tumabi siya rito. "I guess I can't handle the alcohol," nakapikit na sagot nito. Tumawa siya at lumapit. Nagmulat ito ng mga mata. Napatitig sa kanya. Nakita niya kung gaano kaganda ang bilog nitong mga mata sa likod ng nerdy glasses. "You have beautiful eyes, Samantha," bulong niya. Sinusubukan niyang akitin ito. Totoo. "You are so handsome, Sean," sagot nito. Inabot ang mukha niya. Naramdaman niya ang malambot na kamay nito sa pisngi niya. "Can I kiss you?" tanong nito. Hindi siya nagulat. Alam niyang may epekto na ang alak. At swerte siya dahil smooth lahat sa kanya. "Yes, you can, sweetheart. You can kiss me," mabilis niyang sagot. Umusog siya para magpang-abot ang mga labi nila. Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman niya ulit ang lambot ng mga labi ni Samantha. Halos isang linggo niyang inasam na mahalikan ito ulit. Nagulat siya. Napaka-greedy nito sa paghalik. Pero hindi niya ito tatanggihan. Naramdaman niyang hindi ito marunong humalik. O nahihirapan lang dahil sa braces. Kaya siya na ang gumawa ng paraan para mapadali. Inakap niya ito sa bewang. Walang kahirap-hirap silang nahiga sa sofa. Siya ang nasa ibabaw. "Sean," habol-hininga nitong tawag nang maghiwalay ang mga labi nila. "Yes, it's me—Sean," sagot niya. Inabot niya ang salamin nito sa mata. Kanina pa niyang gustong hubarin yun. Alam niyang mas maganda ito nang walang salamin. Tulad nung gabi ng debut nito. Nung unang beses niya itong halikan. "You're beautiful without this," bulong niya. Inilapag ang salamin sa mesa. At muling idinikit ang katawan dito. Narinig niyang umungol ito. Lalong lumalim ang mga halik niya. Alam niyang mali ang ginagawa niya. Para na siyang nanamantala. Alam niyang lasing lang ito kaya nagpapadala. At siguradong pagsisisihan ni Samantha ang mangyayari sa kanila ngayon. Dahil hindi ito ang tipo na maagang bumibigay. Ni hindi nga marunong humalik. Walang duda, siya ang first kiss ni Samantha. At kung itutuloy niya ito, tapos iiwan lang niya tulad ng ginagawa niya sa iba, baka kainin siya ng konsensya niya. Para na rin niyang pinagsamantalahan ito. Although hindi naman talaga. Kitang-kita niya at ramdam niyang gusto rin nito ang nangyayari. Napatitig siya sa mga bilog na mata ni Samantha nang maghiwalay ang mga labi nila. Pareho silang hingal. "Sean," bulong nito. Sexy. Hinaplos ang buhok niya. "Samantha," sagot niya. Hingal pa rin. Gusto niya si Samantha. Sobrang gusto. Alam niyang virgin pa ito. At hindi niya basta-basta pwedeng kunin yun. Hindi siya hayop. Hindi niya kayang samantalahin ang inosensya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD