Samantha - 5

1066 Words
Samantha's POV Nagulat siya nang pagbukas ng locker ay may nakaipit na pulang papel. Kunot-noo niyang kinuha yun at binasa. Lalo pang lumalim ang kunot sa noo niya nang malaman niyang invitation yun sa party ni Sean Monteverde. Sa mismong bahay nito sa Tragora Subdivision. Hindi naman kalayuan sa bahay nila. "What?" tanong niya sa sarili. Napasandal siya sa locker. "Hey, Sam, what's up?" nakangiting bati ni Harvey nang makalapit ito. "Hey," sabi niya. Iwinagayway niya ang hawak na pulang invitation. "That's Sean Monteverde's invitation," sabi nito nang makita ang hawak niya. May dinukot din ito sa likod ng bulsa ng pantalon. "I'm invited too," sabi nito. Pinakita ang invitation card na tulad ng hawak niya. "Weird," bulong niya. Alam niyang madalas umattend ng party ni Sean si Harvey. Minsan nga sinubukan siya nitong isama. Tumanggi siya. Alam niyang ma-o-out of place lang siya dun. At maliban kay Harvey, wala namang ibang papansin sa kanya. "Why?" tanong nito. "This is my first party invitation," sagot niya. Dahil yun ang totoo. Si Sean Monteverde ang unang nagbigay sa kanya ng invitation. Tuwing Friday night, halos nagpa-party ang mga kasing-edad niya sa San Miguel. Pero ni minsan hindi pa siya na-invite. At ngayon, sa party pa ni Sean siya unang na-invite. Lubos niyang pinagtatakhan yun. Hindi kaya nakilala na siya ni Sean matapos ang insidente sa likod ng bahay nila nung gabi ng debut niya? "Don't think too much. Umattend ka na lang para ma-experience mo. Besides, kasama mo naman ako," sabi ni Harvey bago ito nagpaalam. May klase pa ito. Tumango na lang siya para hindi na humaba pa ang usapan nila. "Samantha," tawag mula sa likuran niya habang naglalakad siya papunta sa next classroom. Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Sean. Naka-puting shirt lang ito. Ripped jeans. At itim na Chuck Taylor. Napalunok siya matapos masuri ang napaka-simpleng suot nito. Pero ang lakas ng dating. "Hi," nakangiting bati ni Sean. "Ah... hi," alanganin niyang bati. Ngayon lang niya ito napagmasdan nang malapitan at maliwanag. Hindi tulad nung gabi sa likod ng bahay nila. Napalunok siya ulit habang pinaglalandas ang mga mata sa gwapong mukha ng kaharap. Napa-nganga pa siya nung mapatitig sa mga mata nito. May pagkakahawig pala si Sean kay James Dean. "Are you okay?" tanong nito. Marahil nagtataka sa kinikilos niya. "Ah..." tangi niyang nasabi. Nagbawi siya ng tingin. Inayos niya ang salamin sa mata na parang nalalaglag na rin sa sobrang titig niya kay Sean. Tumigas ang likod niya at tumayo nang tuwid. Alam niyang hindi ganun kaganda ang suot niyang bestida. Lagpas tuhod lang. At puting Keds na paborito niyang isuot. "Did you get my invitation?" tanong nito. "Ah... yeah," tipid niyang sagot. Hindi niya alam kung paano mag-react sa kaharap niyang napaka-intimidating. "I hope maka-attend ka. I really want to talk to you," sabi nito. Kumurap-kurap siya. Pinilit na huwag tumingin dito para hindi siya ma-distract. "Talk to me about what?" tanong niya. Lihim niyang dinasalan na sana hindi tungkol sa paghalik nito sa kanya. Sa kanya importante yun. Pero alam niyang balewala na yun kay Sean. "About what happened at your birthday party," sagot nito. Nagbuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Naramdaman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "I guess you want to talk about it too," patuloy nito. Nanatili lang siyang walang kibo. Hindi alam ang isasagot. "Ah..." "Hi, Sean!" bati ng isang magandang babae. Huminto pa ito sa mismong tabi ni Sean. Umagaw sa atensyon nila. Hindi niya natuloy ang sasabihin niya. "Hey, Ruby!" bati ni Sean. Sinulyapan siya ni Sean. Nagkibit-balikat lang siya. Tapos sinulyapan niya ang babae na confident na nakatayo sa tabi ni Sean. Naka-fitted dress ang babae. Maganda ang katawan. Malaki ang hinaharap at tamang laki ng pang-upo. Lalong humubog sa suot nitong maikling dress. Maikli lang ang buhok nito. Pero bagay dito. O sadyang alam lang nitong dalhin. Nakaramdam ulit siya ng panliliit sa sarili. Walang-wala siya sa magandang katawan ng babaeng katabi ni Sean. "About the party sa Friday night, can I bring some of my squad?" maarteng tanong ng babaeng tinawag ni Sean na Ruby. "Yeah, sure, sure, why not," polite na sagot ni Sean. Sinulyapan siya. Napaka-awkward niyang nakatayo sa harapan nila. "Thank you, Sean," sabi pa ng babae. Hinawakan sa baba si Sean. Yung may appealing beard na lalong nagpapa-astig sa dating nito. Bumuntong-hininga siya. Halata niyang nagfi-flirt ang babae kay Sean. Pinaikot niya ang mga mata at mabigat ang loob na tinalikuran ang dalawa. "Ah... Samantha, wait," narinig niyang sabi ni Sean. May kakaiba siyang nararamdaman tuwing tinatawag ni Sean ang pangalan niya. Hindi siya sanay na tawaging Samantha. O sadyang may dating lang talaga pag si Sean ang tumatawag. "Why?" mahina niyang tanong. Humarap siya. Nagulat siya nang nasa harapan na niya si Sean. Nilingon niya si Ruby. Masama ang tingin nito sa kanya. Dali-dali itong tumalikod at naglakad palayo. Hinayaan niya lang. Binalik niya kay Sean ang atensyon. "I haven't introduced myself yet," sabi ni Sean. Dahil sobrang lapit nito, naamoy niya ang pabango nito. Ang sarap nitong amuyin. "I'm Sean Monteverde," nakangiting pakilala nito. Inilahad pa ang kamay para makipagkamay siya. Napatingin siya sa malapad na kamay nito. Hindi niya alam kung gaano katagal nakatutok ang mga mata niya dun. Nagulat na lang siya nang tumikhim si Sean. Napaangat siya ng tingin. Deretso sa mga mata nito. "You're Samantha, right?" tanong nito. "Ah... I'm Samantha Cruz," pormal niyang pakilala. Nagdalawang-isip pa siya kung makikipagkamay siya. Pero ayaw niyang makahalata ito na may kakaiba siyang nararamdaman. Kaya iniabot niya ang kamay niya. Kaagad niyang naramdaman ang mainit na palad nito na yumakap sa kamay niya. "Nice meeting you, Samantha," sabi nito. May kakaiba sa paraan ng pagbigkas ni Sean sa pangalan niya. Ramdam niya ito hanggang sa balat niya. "You can call me Sam," sabi niya. Pasimple niyang binawi ang kamay na hawak pa rin nito. Ngumiti lang ito sa kanya. Inilagay sa bulsa sa likod ang mga kamay. "So see you Friday night, Samantha," sabi nito. Parang hindi narinig na Sam na lang ang gusto niyang itawag. Tulad ng tawag ng karamihan sa kanya. Dahil may kakaiba talaga siyang nararamdaman sa tuwing binabanggit ni Sean ang buong pangalan niya. "Goodbye, Samantha," paalam pa nito. Tapos tumalikod na. Naiwan siyang nakasunod ng tingin kay Sean. Parang nag-echo pa rin sa pasilyo ang boses nito na tinatawag siyang Samantha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD