Muli pang naulit nang ilang beses ang senaryo nila ni Carlos sa lumipas na mga araw. Walang sawang pinagsasaluhan nilang dalawa ang kaligayahan sa tuwing nag-iinit ang kanilang mga katawan. Walang gabi na hindi sila naglalaro sa apoy ni Carlos. Para kay Suzette hindi na mahalaga kung mali man ang kanilang ginagawa, ang importante ay mairaos lamang ang hindi mapigilang damdamin. Ang pagkauhaw ng kanilang mga katawan sa isa't-isa ang nagpapatindi ng kanilang relasyon sa ngayon. Parusahan na siya, handa niyang tanggapin at harapin kung ano man ang consequences ng kaniyang kasalanang ginagawa. Maliban sa bagay na iyon, mas lumalim pa ang kanilang relasyon sa tuwing magkasamang masayang nag-aalaga at nagpapakain ng mga alagang hayop. Tinutulungan rin siya nito sa kaniyang mga pananim at ilang

