Tahimik siyang nagtutupi ng mga damit habang laman parin ng isip ang mga pangyayari kanina. Akala niya siya lang ang may itinatago pati rin pala si Carlos. Hindi siya makapaniwala na pareho nilang niloko ang isa't-isa. Hays, ano na naman ba 'tong gulong pinasok ko? Hindi lang talaga naging maganda ang sagutan nilang dalawa kanina ni Carlos. May kaunting galit sa kaniyang puso dahil ginawa siya nitong tanga ngunit alam niyang may mali rin siya. Pareho nilang ginamit ang isa't-isa. Pero.. Totoo nga ba ang mga sinabi niya kanina? Ang ibig sabihin, si Bernard lang ba talaga ang half-brother ko at hindi si Carlos? Dahil kung totoo nga, paano niya nalaman? Kaya niya nga kayang patunayan? Hindi nga siya nagsisinungaling kung ganon. Dapat ba akong magsaya dahil hindi ko siya tunay na kapatid

