Nakatulog siya kagabi na hindi katabi si Carlos. Hindi rin sila sabay na naghapunan ni hindi nga yata ito kumain. Saan kaya siya natulog kagabi? Naitanong na lamang niya sa sarili. Nag-unat siya nang katawan at braso nang magising nang maaga. Kinuha niya ang orasan sa side table at tiningnan ito. Alas singko pa lamang nang umaga. Hindi pa sumisikat ang araw nang lumabas siya ng bahay. Malamig pa sa labas gawa ng sariwa at malamig na hanging humahampas sa mga puno at halaman. Natatakpan pa ng mga hamog ang paligid. Maging ang balahibo niya'y nagsisitayuan sa lamig. Nayakap niya ang sarili. Dapat pala ay nagsuot ako ng robe, bulong na lamang niya. Naisipan niyang umakyat sa treehouse. Maaaring naroon si Carlos at baka doon ito natulog kagabi subalit hangin lamang na humampas sa kaniyang

