Ilang araw ang inilagi ng kaniyang mga magulang bago bumalik ng Maynila. Ni hindi niya kinausap ang ama sa loob nang mga araw na iyon. Para itong invisible sa kaniyang paningin. Alam niyang hindi maganda ang dating sa kaniya na kasama ito sa iisang bubong lalo pa't may hindi siya makalimutang nakaraan. Masama na siyang anak pero hindi niya maloloko ang sarili. Hindi pa siya tuluyang nakalimot sa karanasang iyon kahit pa walong taon na ang nakararaan. Ang hirap turuan ng utak na lumimot. Kung hindi lamang dahil sa ina ay hindi siya papayag na makasama at araw-araw na makita ito sa bahay. Naliwanagan siya nang makausap niya ang kaniyang ina. Malinaw na sa kaniya na wala siyang dapat ipangamba sa anuman ang kaniyang nararamdamang damdamin para kay Carlos. Kahit pa nagkalokohan silang pareho

