"Paano mo nga pala nalaman na bumalik ako ng Maynila? Hindi naman siguro si Barbie ang nagsabi sayo?" Umiling ito. "Nakita kita sa airport kanina, sinundan kita kaagad nang makita kong kasama mo si Sandro." "Hindi ko alam ba't siya naroon. Nagulat nga ako nang makita ko siya habang palabas ako ng airport." "Maaring inaabangan ka, kung sakali mang bumalik ka rito." "Siguro nga. Ano nga pala ang ginagawa mo sa airport kanina?" Nakita niya na nag-alangan itong sumagot. "Just met with the client." Tumayo ito at inayos ang suot na necktie. "Ahh, ganon ba." "Bakit hindi ka sa mansion mag-stay? Gustung-gusto ka nang makita ni Lola. May heart problem pa naman siya. Mas lumala pa nung malaman niya ang katotohanan tungkol sa nakaraan n'yo. Kasalanan ko, kasi hindi ko napigilan ang sarili ko

