"Meron kang mga bagay na hindi sinasabi sa'kin.." anas niya. Kinuha niya ang atensyon nito. Matapos dumaan sa condo ni Carlos para kunin ang gamit ay bumyahe sila patungo ng Makati. Tinapunan siya nito ng tingin. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito habang hawak ang manibela. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Ilang sandali bago ito sumagot. "Sa bahay na natin 'yan pag-usapan." Nanatili siyang tahimik hanggang sa makapasok sila sa isang pribadong subdivision. Nakatanaw lamang siya sa mga nadadaanang kabahayan. Pumasok sila sa garahe ng isang bahay na mala-mansion. Maganda iyon at mukhang matibay. Ang design niyon ay katulad ng mga sinaunang mansion noon. "Here we are." Sinalubong sila ng dalawang katulong. Kinuha nito ang kaniyang mga kagamitan sa likod ng kotse at pagkat

