Hindi na naputol pa ang kaniyang paghikbi simula nang dumating siya sa lugar na iyon.. Hindi niya alam kung saan hahanap ng butas at daan, makatakas lamang sa impyernong kwarto na kaniyang kinalalagyan ngayon. Masakit ang buo niyang katawan lalung-lalo na ang pribadong parte na tila nawarak sa tindi ng kaniyang naranasan sa matandang si Mr. Lorenzo. Pilit siyang tumayo sa kabila ng panghihina. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa single bed na naroon. Katatapos niya lang muling galawin ng demonyong si Mr. Lorenzo. Nanlilisik ang matang kuyom ang kamao sa galit na kaniyang nadarama nang mga sandaling iyon. Walang kasing-sama ang taong iyon. Walang awa, dahil kahit na ilang beses siyang nagmakaawa sa harap nito ay hindi siya nito pinakinggan. Bingi at para itong hayop na walang puso at ka

