Chapter 18

1664 Words

Pinuntahan siya ni Barbie sa apartment upang kamustahin ng personal. Hindi kasi sila masyadong nakakapag-usap sa workplace. Naupo sila sa salas. "Next week darating na si Mr. Lorenzo," wika nito. "Alam ko." Pinasadahan siya nito ng tingin. "Natatakot ako para sayo," nangangamba nitong saad. "Huwag kang mag-alala sa'kin, hindi na ako ang dating mahinang si Suzette." Napabuntong-hininga ito. Nabasa niya ang laman ng isip ng kaibigan. Huminga siya nang malalim. "I have to do this Barbie, kaya ba ng konsensiya mo na may katulad ko na maging biktima rin ng hayop na 'yon?" Nangingilid ang luhang saad niya. Umiling ito. Hinawakan siya nito sa mga palad. "Marami ang nagsabi na mabuti siyang tao, marami na siyang natulungan pero sa kabila niyon may nagsasabi ring malupit siyang kaaway."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD