Nagising si Carlos sa tunog ng telepono. Kahit pa masakit ang kaniyang ulo inabot niya parin iyon at sinagot. "Hello?" "Good morning Babe, how are you?" Napakunot ang kaniyang noo. "Missy?" Nakilala niya ang boses nito. "Ang galing naman ng Babe kong manghula. Yeah it's me." Landing sagot nito mula sa kabilang linya. Tila may bumara sa kaniyang lalamunan na nahirapan siyang lumunok. Muling pumasok sa isipan niya ang nangyari kagabi. Kaya pala ngayon ganito itong umasta sa kaniya. "You know what Missy, hindi ako masaya sa ginagawa mo. Get lost!" Pabagsak niyang ibinaba ang telepono. Ibinato niya ang unan sa inis. Narinig niya ang katok sa pintuan. Bumukas ang pinto. Nang makita siyang gising na ay lumapit sa kaniya ang kaniyang lola. Naupo ito malapit sa kaniya. "Hijo, I heard abou

