Hindi maintindihan ni Suzette kung bakit ganoon na lamang kung makatitig sa kaniya si Doc Janus. Pababa na sila ng ground floor nang mapalingon siya sa gawi nito. Nasilip kasi ng gilid ng kaniyang mata na sa direksyon niya ito nakatingin kaya't napalingon siya rito. Napansin naman iyon ni Barbie kaya't may pilyang ngiti na ipinukol nito sa kaniya. "Ayan na naman iyang mga tinging iyan," saway niya rito nang makapasok na ng kotse habang karga-karga parin ang baby girl niya. Tumawa lang ito. "Aba, wala akong sinasabi ah." Sarkastiko nitong saad. Inirapan niya ang kaibigan. Ito naman ay nagbukas na ng makina para magpatakbo. Si Barbie na ang nagmaneho dahil hindi niya pa kaya. Wala kasi ang driver niya dahil umuwi ng probinsya at may emergency raw. Timing naman nang panganganak niya. Wal

