Lumipas ang mga araw. Wala na rin siyang natanggap na balita tungkol sa kaniyang ina. Katulad rin ito ni Carlos na nawalang parang bula. Hindi narin siya tumuloy sa probinsya nang malaman niyang nagdadalan-tao siya. Gamit ang perang iniwan sa kaniya ni Mauricio, ginamit niya ito sa pagbili ng bahay sa tabi ng tinitirhan ng kaibigan niyang si Barbie. Isa rin iyon sa naging suhestiyon ng kaibigan sa kaniya upang mas mabantayan siya nito sakali mang mahirapan siya sa pagbubuntis. Naging hands-on ito sa pagiging tunay na best friend. Magmula noon ay tumigil na si Barbie sa pagtatrabaho sa kompanya. Naging assistant niya ito sa mga negosyong iniwan sa kaniya ng amang si Mauricio. Naging one team sila sa pagpapatakbo ng mga naiwang negosyo. Maliban sa mga negosyo, sinasamahan rin siya nito sa

