Matapos makausap ni Carlos ang pari ay agad na siyang lumabas. Ito na ang bagong simula Zette.. Nakangiti siya habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nang manlaki ang kaniyang mga mata. Nakabulagta na sa daan ang kaniyang mga tauhan. A-anong nangyari rito? Si Suzette... Patakbo niyang pinuntahan ang kotse para icheck kung nasa loob si Suzette subalit mas lalo siyang kinabahan nang hindi ito makita. "Zette!" Tawag niya sa pangalan nito habang nililibot ng tingin ang buong paligid. Nasaan kana ba? Sino bang gago ang kumuha sayo! Nasuntok niya ang cover ng kotse. Kung saan-saan niya ito hinanap subalit hindi niya ito matagpuan. Sandro..! Alam kong ikaw ang may gawa nito.. Galit na pumasok sa isipan niya ang pangalan ng lalaking iyon. Pinigilan niya ang sarili na magwal

