Chapter 53

1128 Words

Naiwan siyang tulala matapos nang mga pangyayari. Pati si Suzy na kaniyang anak ay gulat ring napatingin sa kaniya. Maging si Barbie ay hindi nakaimik. Sinundan nila ng tingin ang paalis na si Carlos. "Wow," hindi makapaniwalang saad ng kaibigan. Matagal bago siya nakabawi hanggang sa lumapit na lamang ang mga ito sa kaniya. "Mommy, who's that guy? Magkakilala ba kayo?" Napatitig na lamang siya sa anak. Ang mga mata nito ay kagaya ng kay Carlos. Alam niyang maraming mga katanungan sa isip ng anak na hindi nito masabi sa kaniya at maitanong. Nababasa niya iyon sa mga mata ni Suzy. Maging siya ay hindi makapaniwala sa muling biglaang pagkikita nila ni Carlos. Hindi niya inaasahan ang mga sandaling iyon. Ni hindi niya halos ito nakilala. Ang tanging masasabi niya ay nag-iba at nagbago an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD