Wala siyang makita, hindi malinaw sa kaniya ang mukha nang kung sinong humila sa kaniya. Napasandal siya sa wall at bigla na lamang nitong inangkin ang kaniyang mga labi. Naaaninag niya lamang ito ng kaunti. Medyo madilim ang paligid na tanging liwanag lamang mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa corner ng kwartong iyon. 'Tulong!' Gusto niyang sumigaw pero hanggang isipan lamang. Tila ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa kaniyang bibig. Nagpumiglas siya. Gusto niyang kumawala ngunit nauubos na lamang ang lakas niya ay hindi parin siya nagtatagumpay. Tila naubos narin ang pasensya nito’t nagawang itaas ang kaniyang mga kamay at mariin siyang hinalikan. Mapusok, malaya ngunit may halong galit. Kulang nalang ay kagatin nito ang kaniyang mga labi. Wala siyang nagawa kundi ang mapapiki

