Minsan hindi niya maintindihan ang sarili, pero isa lang ang alam niya ang magantihan si Mauricio na nagdala sa kaniya sa sitwasyon na iyon. Tinitigan niya ang hawak na wine glass. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang marinig niya ang tunog ng doorbell. Wala siyang inaasahang bisita nang araw na iyon. Off niya sa trabaho at ngayon ay naroon siya sa apartment at nagpapahinga. Tumayo siya at pinagbuksan kung sino man ang taong nasa labas ng pinto. "Hi Zette," nanlaki ang kaniyang mata nang tumambad sa harapan niya ang nakangiting mukha ni Bernard. "Yeah, what brings you here?" "Ahm, can I?" "Sure," pinatuloy niya ito. Nilibot nito ng tingin ang buong paligid. "Maupo ka at ipaghahanda kita ng maiinom. What do you want? Ahm, juice or wine?" "You." "Ah-huh?" Kunot-noong tanong niya.

