Everything goes well.. Keep it up Zette, you're doing great.. One day Mauricio will pay for what he has done.. Napangiti siya sa isiping iyon. "So, ano na? Magkwento ka na. Anong nangyari pagkatapos? Anong isinagot mo sa lola ni Carlos nung tanungin ka about sa parents mo?" Pinasadahan niya ng tingin si Barbie. "Sinabi ko lang na nasa probinsya," sagot niya saka muling tinapunan ng tingin ang bintana. "What else? How about your background?" Nag-aalalang tanong nito. "Siyempre, alam mo na kung ano ang sagot ko sa tanong na 'yan." Tumungga siya ng alak. She has to keep it secret lalo pa at hindi niya lubusang kilala ang matanda. Just a little information is enough. Or else- Pinunasan niya ang kaunting kalat na inumin sa kaniyang labi. Naisip niyang kailangang agarang mapausad ang ak

