Hindi napigilan ni Suzette na mapangiti habang hawak-hawak ang wine glass. "You brought it too far, sigurado kana ba talaga diyan sa binabalak mo? Ako yung natatakot sa ginagawa mo Best e." Napatingin siya sa kaibigan. "Huwag kang kabahan, it's all been planned. Sigurado na 'kong langung-lango na siya sakin ngayon." "Best, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Pwede pa namang-" "Hindi ko palalampasin ang kademony°hang ginawa sakin ng ama ni Carlos! Not even once! Pinag-usapan na natin 'to Best. Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!" Singhal niya. Hindi na umimik pa ang kaibigan. Napatingin na lamang ito sa kaniya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Barbie. Ayaw niyang may kumokontra sa mga plano niya. Alam naman niyang nung una palang ay palag na si Bar

