Lumipas na lamang ang ilang araw hindi pa rin nagpapakitang muli si Carlos. ‘Paasa talaga ang taong ‘yon,’ inis niyang saad sa isipan. Napabuntong hininga siya. Naalala niya nung makita niya ito sa hotel nung isang linggo na may kasama itong babae. Baka kasama nito ngayon ang babaeng iyon at–. Hindi na niya tinapos pa ang masamang isipin. Ayaw niyang panghinalaan ito ng masama. Nakita man nang sarili niyang mga mata hindi na niya iyon binigyan ng ibig sabihin pa. Kahit anong gawin niyang pagdududa ay wala ring kwenta dahil hindi naman niya nakita nang personal nang harap-harapan na kasiping nito ang babae. Pilit niyang binura ano man ang maruming bagay na nasa isipan. Mabibigat ang hakbang niya patungong silid. Nagkasalubong sila ng kaniyang anak nang palabas ito ng kwarto. “Mommy, wh

