“Uy, Best, ano ‘yung narinig kong nakipaghang-out ka raw sa ex mong si Carlos?” ‘Ex? Hang-out?’ Tumingin siya sa kaibigan. Wala nga pala ito buong araw dahil naroon ito sa Batangas. Inaasikaso ang negosyo nila na nagkaroon ng problema patungkol sa mga staff at ilang clients. Natawa siya. “Ex ka diyan..” Napaismid ito. “Pareho rin ‘yon, akala mo naman walang past na naganap.” Sabay irap sa kaniya. Natatawa siya sa reaksyon nito. “Barbie, nakipag-bonding lang naman si Carlos sa anak niya. S-Syempre, sinamahan ko. Baka ano pa mangyari dun ano.” “At?” Huminga siya nang malalim at tumayo. Kinuha niya ang wine sa loob ng mini fridge saka siya kumuha ng dalawang wine glass para gamitin. Inabot niya rito ang isang nalagyan na. “Sa tingin mo ba may pag-asa pa kaming mabuo?” Maya-maya'y ser

