Nagising si Suzette sa tunog ng piano. Maganda sa pandinig ang musikang iyon ngunit bakit tila may lungkot sa bawat notang pinipindot nito? Napansin niya na wala na sa kaniyang tabi si Carlos. Nakaidlip nga pala siya dahil sa pagod. Lihim siyang napangiti nang maalala ang nangyari kani-kanina lamang. Nakita niya kung papaano mabaliw si Carlos sa kaniyang ginawa. Dahan-dahan siyang bumangon at tiningnan ang palibot ng kwarto. Wala ni anino ni Carlos ang kaniyang nakita sa loob. Pakiwari niya'y nasa labas ito. Ano kaya ang ginagawa niya nang mga sandaling ito? Hmp, siya siguro ang nagpipiano. Bakit tila pamilyar sa kaniya ang musikang piniplay nito? Hindi man maalala kung saan at kailan niya huling narinig ito ay binalewala na lamang niya iyon. Lumabas siya ng kwarto upang hanapin si Carl

