May araw karin sakin hayop ka! "Anong nangyari, okay ka lang ba?" Tanong sa kaniya ni Barbie. Nasa kabilang linya ito. Pumikit siya at huminga nang malalim. "I hate to say this but oo nagulat ako nang magkita kami. Akala ko ba sa susunod na araw pa ang dating ng gagong iyon!" "I'm sorry, iyon kasi ang pagkakaalam ko. Hindi ko alam na napaaga pala ang dating niya. Alam mo naman ang mayayaman minsan-" "Oo, alam ko pero ngayon sisiguraduhin ko nang hindi siya suswertehin pang muli. Wala nang ibang makakapigil sa paniningil ko!" Hindi ito sumagot. Barbie changed the topic. "Siyangapala, si Tita Lorna narito sa Maynila hinahanap ka niya." "Ano?" Napatayo siya. "Hindi ko sinabi ang address mo dahil iyon ang bilin mo, pero naaawa ako kay Tita." "Huwag kang maawa sa kaniya! Dahil kung ma

