Pagkarating na pagkarating niya ng mansion ay si Sandro kaagad ang naging target ng kaniyang mga mata. Nang matagpuan niya ito sa loob ng sauna ay kaagad niya itong hinablot. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Hindi niya napigilan na suntukin ito sa mukha. “Talagang ginagalit mo akong gago ka! Pinakiusapan na kita ngunit matigas ka. Pwes, ipakita mo ngayon ang tigas mo!” namumula ang mukha na wika niya habang hawak-hawak ang manggas sa dibdib ng damit nito. Napahipo si Sandro sa nagdurugong bibig. “Matagal na akong nanggagalaite sa ‘yong gago ka! Ayaw mo talaga akong tigilan. Ngayon ilabas mo ang tapang mo!” tiim-bagang niyang dagdag. “Talaga!” Inaasahan na niya na gaganti ito ng pakikipagsuntukan sa kaniya. Iyon ang hinihintay niyang mangyari. Sa mga oras na iyon ay nais na niyang m

