Jacky’s P.O.V “Nakakuha ako ng trabaho,” Sabi ni Tatay na may malaking ngiti sa labi. Si Nanay naman ay napabuntong hininga na lang at napailing. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ni Nanay pero kung ano man siguro ‘yon sana naman ay hindi maging problema sa kanila. “Congrats Tatay!” sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako habang nakatingin lang si Nanay sa amin. Nawiwirduhan ako sa tingin ni Nanay. Parang nagaalala siya. “Nanay, may problema ba?” “Oo nga, may problema ba?” Tanong ni Tatay. Napabuntong hininga lang si Nanay at umiling. “Wala, kumain na tayo.” Ayun lang ang sinabi niya at kumain na. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tatay parehas na natahimik habang pinapakiramdaman si Nanay. Matapos kumain ay dinala ni Nanay ang mga pinagkainan namin sa kusina at naiwan ka

