Jacky’s P.O.V Pagbaba ko sa parking lot kung saan naka park palagi ang kotse ni Ralph ay agad akong lumapit at nakita ko siya sa loob na seryoso ang mukha. Kumatok ako sa bintana na agad naman na nakuha ang atensyon ni Ralph kaya napatingin siya sakin. Tipid siyang ngumiti at binuksan ang pituan para sakin. Pumasok ako ng kotse at nagulat ako ng niyakap niya ako. “Don’t worry about what, don’t think about what she says what the other say!” Napangiti ako. Ayun ba ang iniisip niya? Tinapik ko ang likod niya at agad naman niya akong pinakawalan. Nagaalala siyang tumingin sakin. “I am fine. Sadyang nakaka-stress lang silang dalawa,” sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga si Ralph. “If that man doesn’t do anything, I will make sure to ruin that woman’s image,” sabi niya. Umiling ako. Ayoko

