Lauren’s POV
Sa wakas naman ay napakiusapan ko sila na tantanan na ang pagbanggit sa pangalan ng ex-boyfriend ko. Alam na alam ko naman na napamahal na sa kanila si Ezekiel at ganoon din naman ako at ang mga ala-ala naming dalawa pero sa tingin ko ay kailangan na rin nilang tanggapin na wala na at tapos na. Dapat na rin nilang itigil ang paglalapit sa amin bilang respeto na rin kina Nate at Avery. Hindi pa man nila nakikita at naka-uusap si Nate ay kilala ko naman siya at alam kong mapagkakatiwalaan ito. Napatunayan na niya iyon sa akin.
Dapat nilang maintindihan na noon ay nagkaroon kami ng mutual decision ni Ezekiel para bigyan ng oras ang relasyon namin para mas kilalanin ang isa’t-isa pero dapat din nilang maintindihan na hindi lahat ng taong akala mo ay lubusan mo nang kilala ay totoong kilala mo na dahil kagaya ng sinabi ni Kelly, mas makikilala mo ang isang tao kapag nakasasama mo na ito sa bahay kagaya ng pagiging mag-live-in nila ni Dan noon. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ang dapat gawin, ang sinasabi ko lang ay bigyan ng sapat na oras ang sarili para kilalanin ang isang tao.
Palagi naman akong nahihirapan kapag naghihiwalay kami ni Ezekiel kasi palaging todo ang pagmamahal na ibinibigay ko, mas natuto lang akong kontrolin iyon para magtira ng pagmamahal sa sarili ko para kapag nawala siya ay may pagmamahal pa rin sa sarili. Ganoon naman dapat kaya nga self-love muna bago magmahal ng ibang tao. Alamin mo muna ang halaga mo bilang babae para malaman mo kung pinahahalagahan ka rin ng taong mamahalin mo.
Sayang nga at hindi namin kasama si Ate Jean ngayon, siguradong kakampi ko siya kung nandito lang siya at kasama namin. Bumukod na sila ng boyfriend niya dahil nagpaplano na sila na magpakasal. Kaya tuwang-tuwa si Grandpa dahil ang pang-aasar niya noon sa paghingi ng apo kay Ate Jean ay matutupad na! Kung sa bagay ay lahat naman kami ay excited na sa ipinagbubuntis ni Ate Jean.
Matagal na rin naman nilang plano ang pagpapakasal ngunit ginusto nila na magkaroon muna ng anak dahil gusto nilang maging parte ng kasal nila ang anak nila para makita nila na naglalakad din iyon papunta sa altar. It was a good plan and I’m sure she would love to see their child giving them a beautiful smile on their wedding day.
Maraming puwedeng mangyari sa paghihintay nila na iyon kaya naalala ko ang itinatanong ko kay Ate Jean kung hindi siya natatakot na magkaroon ng problema sa pagitan nilang dalawa.
She answered, “It’s just our plan, Renren. But if God has a better plan for us, I’m willing to accept it. Kung magkaroon kami ng problema at halimbawa ay ang pagkakaroon niya ng babae, ang tanging masisiguro ko lang sa kanya ay pagsisisihan niya ang desisyon na iyon dahil ipakikita ko sa kanya na magiging masaya kami ng anak namin kahit wala siya. Alam mo, hindi mo ako kasing tapang kasi hindi ko maisip na bibigyan ko pa siya ng pagkakataon kapag nalaman kong nagkaroon siya ng babae, tatapusin ko kaagad kung ano man ang mayroon sa amin dahil once na hinayaan ko siyang bumalik sa amin kahit na nagkaroon siya ng babae, baka isipin niyang palagi ko siyang pagbibigyan at hindi ko kakayanin kung mauulit ang ganoon.”
“Ako, matapang? Ang ibig mo yatang sabihin ay tanga, Ate Jean. Isa pa, hindi ka naman lolokohin ni Kuya Bernard.”
“Hindi ka tanga, mahal mo lang talaga siya.”
But I personally think that what they did was bravery and taking a risk. Naniniwala ako na pumayag siya sa ganoong plano dahil nagtitiwala siya kay Kuya Bernard.
Hay . . . sana all na lang talaga!
NABALIK ANG ISIP KO sa reyalidad noong huminto na ang sasakyan at bumaba na kami sa hotel, staycation lang naman plano ng pamilya namin at ang napili naming puntahan ay isa sa mga hotel nina Dan sa Manila dahil bukod sa may discount kami rito ay mala-VIP treatment kami rito. Sinabi ko kina Kelly at Dan ang tungkol sa pag-stay namin dito kaya baka naitawag na rin nila iyon at malamang ay sinabi na tratuhin kami nang tama. Although pang world class naman ang pagtrato nila sa mga customer nila ay iba pa rin ang pakiramdam na parang lahat ng tao rito ay kilala kami. Astig magkaroon ng mayayaman na kaibigan ’no? Kung noon ay may mga sumusundo lang sa amin na naka-kotse, ngayon naman ay building at business na ang usapan. Bukod sa pagiging likas na mayaman ay masisipag din sila kaya nararapat lang iyon sa kanila.
Humiwalay ako sa kanila dahil magpapahinga muna sila bago magliwaliw at kumain ng tanghalian. Sinabi ko sa kanila na maglilibot lang ako sa magandang lugar na ito. Inikot ko lang ang hotel nina Dan habang pinakikinggan ang mga kanta sa ibinigay nina Grandma at Grandpa na MP3, si Grandpa ang namili ng mga kanta na inilagay rito para iyon daw ang pakinggan ko kapag gusto kong matahimik ang magulo kong isip. Saktong-satko ang mga kanta na ito dahil hindi pa natatahimik ang isip ko simula noong bumalik kami rito sa Pilipinas. Hindi ko naman nakalimutang bitbitin ang camera na ibinigay rin nila.
Huminto ako para kumuha ng litrato ng mga kung ano-ano para maipakita ko rin kay Kelly kung gaano ako kagaling kumuha ng litrato. Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat noong naramdaman kong may nakabunggo sa tagiliran ko dahilan para mahulog ang camera na hawak ko! Iyon pa naman ang unang pagkakataon na tinanggal ko ang strap ng camera na iyon na dapat ay nasa leeg ko! Masyado akong nag-enjoy sa pagkuha kaya nakalimutan kong isukbit ang strap na iyon sa leeg ko. Literal na parang nadurog din ang puso ko noong nakita kong may nabasag sa camera na iyon. Grandma! Iyon kaagad ang naisigaw ko sa isip ko.
Kaagad akong lumuhod para tingnan ang mahulog kong camera.
“Shit.” Hindi ko napigilan na mapa-mura noong nakita ko na may nabasag sa camera na iyon. Ang tagal ko iyong iningatan pagkatapos ay masisira lang ng kung sino!
“Lauren?” I froze when he spoke. I’m sure it’s him again. Kahit nakikinig ako ng kanta ay malinaw na malinaw ko ring narinig ang boses niya. Gaano ba kaliit ang Pilipinas para madalas kaming pagtagpuin? Yumuko siya para tulungan akong pumulot ng camera, hindi ako sigurado kung magagamit ko pa iyon. s**t lang talaga, nalungkot ako bigla dahil kapag ginagamit ko ang camera na ito ay parang si Grandma ang kasama ko. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin,” dagdag pa niya.
Hindi ko siya pinapansin, ayaw ko sana na masira ang masayang araw na ito. “Papalitan ko na lang. I’m really sorry.” Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na naman akong naasar sa kanya. Sinasabi at ipinagmamalaki ba niya na maibibili niya ako ang bagong camera?
Binawi ko ang ibang parte ng camera na hawak niya.
“Sorry? Papalitan? Mapapalitan mo rin ba ang halaga ng camera na iyan? Wala ka pa rin alam gawin kung hindi ang mag-sorry.”
Nagulat siya sa sinabi ko. Badtrip ako sa kanya, badtrip naman ako palagi kapag nakikita siya kaya wala akong pakialam sa reaksiyon at iniisip niya.
“Wait lang, hindi ko sinasadya. Ipa-aayos ko na lang kung gusto mo,” sagot pa niya.
“Grandma gave this camera, Ezekiel. Kahit ipaayos mo pa, hindi na maibabalik sa dati. Kahit ibili mo pa ako ng bagong camera, hindi mo mapapalitan ang halaga ng camera na si Grandma ang nagbigay sa akin. Sa susunod naman ay mas mag-iingat ka. Malawak naman ang daanan pero nabunggo mo pa ako. Malawak naman ang Pilipinas pero nagkikita pa rin tayo. Marami namang hotel at araw sa kalendaryo pero ngayon mo pa naisip na magpunta rito.”
Naglakad ako palayo sa kanya para umupo at ilapag ang camera na hawak ko sa mesa na malapit sa akin. Sumunod pa talaga siya.
“I know you are mad.” Hindi pa siya tapos sa sinasabi niya pero sumagot na ako.
“Yes, I am.”
“Hindi ba puwede na mag-usap tayo na hindi ka galit sa akin? Ilang beses na tayong nagkikita pero palagi kang galit sa akin, hindi ka naman ganiyan dati, ah?”
I smirked. “Dati . . . hindi talaga ako ganito dati. Ano ba ang alam mo sa ugali ko ngayon? Paano naman ako hindi magagalit sa iyo kapag nagkikita tayo ay may nasisira sa gamit ko. Dapat ba akong matuwa na nasira mo ito?”
“Iyan lang ba talaga ang dahilan kung bakit ganiyan ka sa akin?”
Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa tanong na iyon. I know what he’s doing but I won’t give in. “Alam mo ang sagot sa tanong na iyan kaya hindi mo na kailangan pang itanong sa akin. Hindi ka pa ba aalis sa harapan ko? Gusto mo bang maranasan na ako naman ang mang-iwan sa iyo?” I smirked again. But seriously . . . why do we need to meet every time I’m enjoying being alone?
“I can’t read what you are thinking right now.”
“It’s because I’m not allowing you to read what I’m thinking, Ezekiel. I’m making sure that you won’t be able to take down this wall. This wall was created just for you. You are not allowed to hurt me anymore, I’m totally done with you.”
I hope those words will hurt him as much as those words hurt my feelings.