Lauren’s POV
Ezekiel was about to leave when I heard Jace. He immediately run to hug Ezekiel when he saw him. Nakita kong kasunod ni Jace sina Grandpa na papunta na rin sa aming puwesto. Bakit sinusubukan ako ng tadhana? Parang ayaw ko rin ng mga iniisip nila.
“Kuya Kiel! You’re here!” Narinig ko pa na sinabi ni Jace habang nakayakap kay Ezekiel. Nag-uusap silang dalawa pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Ezekiel. Akala siguro ni Jace ay kasama namin siya hanggang sa bumalik kami sa bahay. Hindi niya alam na kanina lang ay nagsasagutan kaming dalawa.
Isa sa dahilan ng paghihiwalay namin ang pag-aaway. Halos palagi kaming nag-aaway at kung minsan nga ay hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro ay dala na rin ng parehas na stress at kapaguran pagkatapos ay hindi pa kami nagkaka-intindihan. Sa isang relasyon pa naman ay dapat parehas kayong marunong umintindi para may balanse. Hindi puwedeng isa lang palagi ang iintindi. Hindi namin kayang intindihin ang isa’t-isa kaya sa away palagi nauuwi ang pag-uusap namin. Walang gustong umintindi, walang gustong magpatalo. Doon palang . . . maling-mali na kami.
Nakita ko naman na binati at nagmano pa siya sa kanila noong nakalapit na ang mga ito sa amin. Ano pa nga ba? Nakatingin sa akin ang pamilya ko na para bang may kailangan akong ipaliwanag sa kanila. Baka isipin nila na nagkita talaga kami rito ni Ezekiel samantalang kanina ay nakiusap pa ako sa kanila na huwag na nilang babanggitin ang pangalan ni Ezekiel. Kahit nakatingin lang sila sa akin, parang naintindihan ko na kaagad ang iniisip nila lalo na ni Kuya Angelo.
Pagkatapos ng paghihiwalay namin ni Ezekiel ay wala naman akong kinausap sa kanila nang matino tungkol sa hiwalayan na naganap. Hindi kagaya noon na halos idetalye ko sa kanila ang panloloko na ginawa sa akin ni Ezekiel, ngayon ay tahimik lang ako at sinabi ko lang na hindi na kami nagkakaintindihan kaya kami naghiwalay. Si Grandpa lang naman ang sobrang kulit na maraming itinatanong sa akin.
Umupo siya sa harapan ko habang nakatingin at nakangiti sa akin. “Kaya naman pala ayaw mong magpahinga ngayon at gusto mong mag-isang gumala sa hotel na ito, ah? Hindi mo sinabi sa akin Renren na makikipagkita ka kay Kiel.” Sumimangot lang ako sa sinabi ni Grandpa. Sa lahat naman ng tao rito ay si Grandpa lang ang mahilig mang-asar sa aming dalawa. Palibhasa ay hindi namin magawang magtampo sa kanya kahit asarin kami ni Grandpa sa isa’t-isa kaya naman sulit na sulit ang ginagawa niyang pang-aasar sa amin.
“Isinama mo ba siya para ipaalam sa amin na nagkabalikan na kayo?” Nagulat naman ako sa ibinulong niya aa akin. Mabuti na lang at bulong lang ang ginawa niya ngayon at hindi na niya isinigaw sa buong pamilya namin.
Tumingin ako sa kanya bago sumagot ng, “That’s not true, Grandpa.”
Napalingon naman kami ni Grandpa kay Kuya Angelo noong narinig namin ang pagtatanong niya kay Ezekiel.
“Bakit hindi mo sinasabi sa akin na nagkikita kayo ni Renren? Kaya naman pala hindi ka na pumupunta sa bahay ay dahil nagkikita naman pala kayo.”
“Oo nga. Bakit hindi kayo sa bahay nagkikita para alam namin?” tanong ni Mommy Pia.
Gosh. I somehow feel the embarrassment right now. Kanina ay halos itaboy ko si Ezekiel samantalang pinalalapit naman siya sa akin ng pamilya ko. Akala ko pa naman ay malinaw na sa kanila na hiwalay na nga kami at ayaw na namin sa isa’t-isa.
Pasugod na nga sa kanya si Kuya Angelo noong sumagot siya. “Wait lang, Angelo. Hindi naman kami nagkikita ni Lauren at alam mong kayo ni Dan ang pinupuntahan ko kapag walang trabaho.”
“Bakit kayo magkasama?” ani Kuya Angelo.
“Hindi ko alam na nandito kayo. Actually, nabunggo ko nga siya dahilan para masira ang camera na si Grandma pala ang nagbigay kaya siya nagagalit sa akin ngayon.” Parang bata naman siya na nagsususmbong na may kaaway. Nakita ko na hinawakan ni Grandpa ang ibang parte ng camera, ngayon lang niya napansin na kaya ako nakaupo ay dahil sa nasirang camera. Bakas rin sa mukha niya ang pagkalungkot.
Nag-usap pa sila roon pero hindi ko na pinakinggan dahil lalo na naman sumasakit ang ulo ko sa kanila. Tumayo na kami ni Grandpa noong inaya nila kami na kakain na. Mas mukhang namiss nga nila si Ezekiel dahil hindi ako makapaniwala na pagkatapos sabihin ni Ezekiel na nagalit ako dahil sa pagkasira ng camera ay inaya pa talaga nila na sumabay na mag-tanghalian sa amin. Hindi manlang nila itinanong kung may kasama ba itong iba. Hindi ko na iyon itinanong at baka magka-issue na naman ako sa buong pamilya ko. Ang hirap din pala kapag malapit na sila sa isa’t-isa pagkatapos ay naghiwalay na. Parang ganito rin sila noon sa amin kahit na may boyfriend na ako kaya nga pinilipit kong tumahimik sa kanila dahil ayaw kong mabasa nila ang kahinaan ko . . . iyon ay kung hindi talaga nila mahahalata ang kahinaan ko. Ang hirap kapag nakikita nila iyon, minsan iyon ang ginagamit para mas saktan pa ako lalong-lalo na ng Ezekiel na ito. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin noon . . . hanggang ngayon ay masamang-masama ang loob ko sa kanya.
Bakit parang pinaliliwanagan ko na naman ang sarili ko? Tss. Bakit kasi ang tagal mawala ng sakit na ito?
HABANG KUMAKAIN KAMI AY napapalingon kami sa puwesto ni Ezekiel dahil sa mga pumipilang nagpapakuha ng litrato na kasama siya. Humihingi nga siya ng pasensiya na naaabala kami dahil sa mga lumalapit sa kanya. Masaya siguro siya na maraming nakakikilala sa kanya ’no? Ang sarap lang din isumbat sa kanya na dapat siyang maging masaya sa napili niya. Hindi ba puwedeng kasama niya ako habang umuunlad siya sa career na napili niya? Oh . . . forget it!
Kahit masama ang loob ko sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na gusto ko pa rin na nakikitang masaya siya sa naging desisyon niya. Iyon nga lang ay masakit din talaga. Lauren! Sinabing kalimutan mo na, eh!
Hindi ko na lang din pinansin ang pa-simpleng paglingon nila sa akin, baka magkaroon pa ng issue kapag nakilala nila ako at kung ano pa ang isipin nila na kasama ni Ezekiel ang ex-girlfriend niya. Kagaya ng sinabi ko noon ay nabibigla pa rin ako na parang artista ang pagiging sikat ni Ezekiel, public figure na talaga siya. Sikat na noon ang kaguwapuhan niya sa mga babae pero mas sumikat pa siya ngayon. Tipong ang lapit namin sa isa’t-isa pero hindi ko na siya maabot. Ay! Renren! Ano ba?! Tigilan mo ang pag-alala sa nakaraan! Parang ewan na naman ako sa pagka-usap sa sarili ko.
Ipinagpatuloy ko lang ang tahimik na pagkain. Bago kumain ay nagpa-picture na rin naman kami kasama si Ezekiel kanina, siguradong tatawag na sa akin si Kelly mamaya kapag nag-post na si Grandpa. Sa sobrang cool ni Grandpa ay mas updated pa siya sa akin sa mga trending na ipinapakita sa social media.
“Mabuti naman na nakapagpapahinga ka kahit sobrang busy mo na,” panimula ni Mommy Pia. “Tama iyan, bibigyan mo pa rin dapat ng oras ang sarili mo na mag-enjoy paminsan-minsan.” Kailangan na tumigil ni Mommy Pia dahil sa tingin ko ay sumobra ang pagbibigay niya ng oras para sa sarili niya para kalimutan ako. Naalala ko na ako rin ang nagsasabi sa kanya na dapat niyang bigyan ng oras ang sarili niya . . . pero hindi ko naman sinabing maging maka-sarili siya.
Here we go again, Lauren. Damn. Ganito na pala ang naka-move-on ngayon?
Wala akong ibang naaalala kung hindi ang mga sakit na ipinaramdam niya sa akin sa tuwing nakikita ko siya. Siguro ay iniisip niyang tama ang naging desisyon niya.
“Sa katunayan po ay trabaho ang ipinunta ko rito. Kasama ko po ang ilan sa mga ka-trabaho ko,” sagot niya.
Nabigla kami noong biglang may yumakap kay Ezekiel mula sa likod niya. Napa-irap kaagad ako noong nakita ko kung sino ang babaeng iyon. Mukhang masaya na nga siya . . . kasama si Avery. Hinalikan pa niya si Ezekiel sa pisngi. Alam naman niya na nasa harapan sila ng pamilya ko pero ipinamumukha pa niya sa lahat na tama ang pinili niya. s**t, ah? Sumosobra naman sila. Pasintabi naman sila sa babaeng nagsasabi na naka-move on na pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa.
Bakit nakararamdam ako ng pagka-inis sa nakikita ko? Hindi nga ako sigurado kung naiinis ako o nagseselos. This can’t be happening. I hate caring for everyone I love.
“Where have you been? Nakalimutan mo bang sabay tayong kakain?” she asked. Avery said with high pitch on her tone to make sure that everyone will hear what she said. Ilakas mo pa!
Napalingon siya sa puwesto ko at nakita niya na nakatingin ako sa kanila.
“Oh . . . Hi, Ate Ren!” I just stare at her. As far as I can remember, we are not friends to greet each other. Ate, huh? Whatever!
Sana ay hindi na lang siya pumayag na sumama sa amin dahil hindi naman mahirap ipa-intindi na may kasama siya at nandoon siya para mag-trabaho. Ayaw ko talaga siyang nakikita at mas lalong ayaw kong nakikita silang dalawa ni Avery na magkasama. Mas lumalakas ang loob ni Avery na sirain ang araw ko kapag kasama si Ezekiel.
Hindi ako makapaniwala na ang babaeng katabi niya ay pinagseselosan ko lang noon at hindi siya nakalilimot noon na ibigay ang kasiguraduhan sa akin na hindi niya ako ipagpapalit sa kanya at sa career niya. Well, look what happened to us. Hindi pa rin pala sapat na binibigyan ka ng kasiguraduhan ng isang tao dahil nagbabago ang kasiguraduhan na iyon kapag dumating ang pagkakataon na matagal niyang hinintay.
Tumayo na siya at isa-isa na siyang nagpaalam sa kanila at humingi ng tawad sa maraming abala habang kumakain kami. Huminto ang daldalan nila kaya napa-angat ako ng tingin, sa akin na pala nakatingin si Ezekiel.
“What?”
“Sorry about what happened earlier, Lauren. I’ll make it up to you. See you later.” Umalis na siya pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Talaga bang sinabi niya sa akin na babawi siya at makikipagkita ulit sa akin sa harapan pa ng girlfriend niya?
Sunod-sunod na tanong ang narinig ko sa mga kasama ko dahil nagtataka sila sa sinabi ni Ezekiel.
And I was literally asking myself if we even talk about seeing each other again. Wala naman akong matandaan na pinag-usapan na ganoon at mas lalong mapapansin niya ang pagka-inis ko dahil sa naging pakikitungo ko sa kanya kanina.
What the heck is he talking about? Is he teasing me to see how I’m going to react with his gestures? Really, Ezekiel? In front of your girlfriend/ex-girlfriend/fling or whatever relationship you have! Basta, ang huling balita ko ay sila na ni Avery! It is not my conern anymore kung sila pa rin hanggang ngayon! Basta, pinili niya si Avery! Tss, what a jerk!