Lauren’s POV Pahinga ko naman ngayon pero maaga akong nagising pagkatapos ay kanina pa ako nakatayo sa harap ng salamin habang nakatitig sa katawan ko. Bigla ko lang naalala noong kumakain kami at sinabi ni Ezekiel na diet siya. Pinariringgan ba niya ako o praning lang ako? Sabihin ba naman sa aming lahat na diet siya samantalang ang sarap-sarap pa naman ng pagkain ko noong mga oras na iyon! Tumaba na ba talaga ako nang sobra? Naisip ko lang iyon kaya tiningnan ko lang ang sarili ko. Sinabi pa kasi niya ang salitang diet na parang sinabi niya na hindi ako nag-da-diet! Hindi naman talaga ako nag-da-diet dahil hindi naman ako nahihirapan sa katawan ko pero kailangan ba talaga niya iyon sabihin sa amin? Ano ba iyan? Nagiging sensitive talaga ako kapag sa kanya ko naririnig! Sige, palalampa

