Lauren’s POV Noong inihatid ako ni Nate sa bahay ay hindi naman siya nagtagal dahil umalis din naman siya. Masaya naman ako ngayon lalo na at nalalapit na rin ang pagbubukas ng business namin. Kaunti na lang at opisyal na ang pagbubukas ng business kong E.L.F. (Express Love Furniture). Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nanlalata ako. Hinintay kong makaalis si Nate bago umupo sa kalsada sa gilid ng bahay namin. Hindi naman ako nakaharang sa daan dahil malapit naman ako sa gate namin. Parang pagod na pagod ako kahit maghapon naman akong naka-upo. Pagkatapos kong umupo sa gilid ay parang bata ako na yumuko, pumulot ng maliit na bato at nagsulat sa sementadong kalsada. What is wrong with you, Lauren? Paulit-ulit ko na iyang naitanong sa sarili ko simula pa kanina. Is it because of Ez

