Chapter 3 – Those eyes

1621 Words
Lauren's POV Finally, we are here. The reasons that excites me on coming back are I get to see my family and friends personally, I can visit Mommy, Lawrence and Grandma’s grave again and I’m about to have my own business here in the Philippines! Sige, convince yourself that you are excited to be here again, Renren. Nakatingin na naman sa akin si Grandpa kaya nagtanong ako kung bakit ganoon siyang makatingin sa akin. He laughed and said, “Fix yourself. Baka isipin pa ng lahat na hindi kita inalagaan sa Canada.” Tawa nang tawa si Grandpa habang sinasabi iyon kaya ako naman ay biglang napahawak sa buhok, mukha at damit ko. In short, nagpa-uto ako kay Grandpa kaya tawang-tawa lalo siya! He is still the coolest grandfather of all time. May utang pa siya sa akin na kuwento tungkol sa sinasabi niyang love story of all time nila ni Grandma. Nang tuluyan na kaming makalabas ay kaagad naman naming nakita sina Daddy na akala mo ay napakatagal kong nawala. Sobrang ingay nila! Lalong-lalo na si Jace na kaagad namang tumakbo papunta sa akin. Akala ko nga ay hindi niya ako ganitong sasalubungin dahil ayaw naman niya akong kausapin kapag tumatawag ako sa kanila at kapag na-vi-video call kami. Ganoon lang siguro talaga ang mga bata ngayon, mas mainam na hindi nahihilig sa pakikipag-usap sa video call para mas makulit pa rin sa personal. “I miss you, Ate Wenwen!” sigaw niya habang yakap ako. Hinalikan ko naman siya at sinabing namiss ko rin siya. Binati ko pa nga ang ganda ng porma niya kaya binigyan niya ako ng napakagandang ngiti na sobrang namiss ko. Lumapit na ako kina Mommy Pia, Daddy at Kuya Angelo. Panay ang pagpuri nila sa itsura at buhok ko dahil kagaya ng sinabi ni Grandpa ay nagmukha naman akong tao. Ibig bang sabihin nito ay hindi ako mukhang tao noon? Grabe naman sila sa akin ’no? Nasaan ang hustisya? Hindi naman kami nagtagal sa pakikipagdaldalan dahil marami pa naman kaming oras sa bahay. Himala nga na parang hindi ako napagod sa biyahe namin. Baka sadyang namiss ko lang din silang lahat kaya nawala kaagad ang pagod ko. Hindi nga humiwalay sa akin si Jace at tumabi pa rin sa akin noong nakasakay kami sa sasakyan. Napansin ko nga na sumasandal at niyayakap pa rin niya ako. Oh, boy, he is still my sweet baby brother! Naglalambing pa rin siya kaya kinikilig ako. Ang sarap nga niyang pisilin dahil ang chubby-chubby niya. “Where’s Ate Jean?” pagtatanong ko sa kanila. Sinabi nila na kasama silang lahat sa pagsundo sa amin kaya naman inaasahan ko na kasama rin ang pinsan namin na si Ate Jean. “Bakit kailangan niyang sumama? Mukhang feeling special ka naman.” Nagulat ako sa sagot ni Kuya Angelo kaya nakatikim kaagad siya ng irap mula sa akin. Kanina pa siya nagsusungit, ayaw nga niyang yumakap ako sa kanya. Akala naman niya ay guwapo at mabango siya, hindi kaya! “Daddy, narinig mo po ang sagot niya sa akin?” pagsusumbong ko kay Daddy. Muli kong tiningnan si Kuya Angelo at nagtanong ng, “ What’s wrong with you?” He playfully smiled and answered, “Bakit kasi ang taba mo ngayon?” I rolled my eyes on him again! Alam ko naman na nagkalaman ako pero hindi naman sobrang taba at hindi naman niya iyon kailangang sabihin sa akin. I learned how to love myself kaya hindi ko pinababayaan ang sarili ko sa Canada. Sa tulong ni Grandpa ay palaging healthy foods at hindi ako nawawalan ng ganang kumain kaya naman tumaba ako. Okay lang naman sa akin dahil bagay naman iyon. I’m sure hindi iyon sinabi ni Kuya Angelo to insult me. It’s our way of being malambing. Napaka-conyo ng dating ko! Sa totoo lang, mas gusto ko ang natutunan ko sa Canada. Noon ay madalas na wala akong gana kumain o kaya naman ay nakalilimutan ko pa ang pagkain lalo na kung marami akong ginagawa na para bang hindi ako nagugutom. Iba ang nangyari sa akin sa Canada dahil kapag stress ako at namimiss ko sila ay hindi ako nagmumukmok, nagpapaka-busy ako sa trabaho at training o hindi kaya ay sa pagkain ako bumabawi. Kakampi ko itong si Jace kaya nagtanong ako sa kanya. “Jace, inaaway ako ni Kuya Angelo. Sabihin mo nga na hindi naman ako tumaba!” He looked at me intently. “Sorry, I can’t lie, Ate,” he answered and everyone burst into laughing. Grabe naman ang pambubully nila sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagkamiss nilang lahat! “But you are not ugly, Ate. I like the new you,” he added kaya naman inasar ko silang lahat. Marunong na rin bumawi ang isang ito, ah! Sinabi ko pa na magkamukha na kami dahil parehas na kaming chubby at ikinatuwa naman niya iyon. Akalain mong si Jace ang unang nakapansin sa pagkakaroon ng new me. Kagaya ng sinabi ko, nagbago naman talaga ako nang kaunti. Ako pa rin naman ang Renren na nakilala nila noon pero mas naintindihan ko na ang mga nangyayari sa buhay ko. Hindi na lang ako basta-basta nagmumukmok sa isang tabi. Lahat talaga ng bagay ay may rason kung bakit kinakailangang pagdaanan ng isang tao. Wow, ang lalim naman ng sinabi ko. MALAPIT NA KAMI SA bahay pero huminto si Daddy at sinabing may kailangan lang siyang kuhanin sa kaibigan niya na malapit dito. Baka matagalan daw siya kaya puwede naman daw kaming bumawi ng tulog ni Grandpa. Sobra-sobra na nga ang tulog ko kaya nagpaalam ako kay Mommy Pia na bababa at maglalakad-lakad lang dahil masakit na rin ang puwet ko sa matagal na pag-upo. Malapit kami sa Luneta Park at nakita ko na maraming tao kaya sinabi ko na saglit lang akong maglalakad doon. Pinasasamahan pa nga niya ako kay Kuya Angelo pero sinabi ko na ayos lang at hindi naman ako maliligaw sa lugar na ito. Gustong sumama sa akin ni Jace pero hindi pinayagan ni Mommy Pia dahil sigurado raw na sasakit lalo ang katawan ko kapag isinama ko si Jace kaya mag-isa lang akong bumaba at naglakad-lakad. Gabi na rin naman pero talagang hindi nagbago ang pagiging masigla ng lugar na ito. Maraming ganito sa Canada pero mas masaya pa rin panoorin ang mga batang nagtatakbuhan habang kitang-kita ang ngiti sa mga labi nila. Hindi nawala ang pagkahilig ko sa mga bata kaya excited na rin ako na makita si Elly, ang isa pang baby boy sa buhay namin ni Kelly! Mas nasanay ako na maraming nakapaligid na hindi pamilyar sa akin kaya mas naging komportable ako sa ganoong sitwasyon. Parang ngayon, maraming nakapaligid sa akin pero hindi ako nakararamdam ng pagka-ilang. Maraming tao ngayon at masarap ang pagdampi ng malamig na hangin sa mga balat ko. Parang hindi malamig sa Canada ’no? Sinabi ko naman na kay Kuya Angelo na tawagan niya ako kapag nakabalik na si Daddy. Mukha na akong baliw sa pabalik-balik na paglalakad habang pinanonood pa rin ang mga batang naghahabulan. Kulang na lang ay sumali ako sa paglalaro nila. Namiss ko ang pamilyar na lugar. Sana maging maayos ang pagbabalik ko rito, mas maging matatag pa sana ako. Baka kapag muli ko silang makita ay mawala na naman ako sa sarili ko, ayaw ko na iyon na mangyari. Nakarinig ako ng mga batang sumisigaw sa tuwa mula sa likod ko. Ibang klase rin talaga ang halakhak ng mga bata, nakatutuwa na may naririnig pa akong ganito. Ibig sabihin ay hindi pa tuluyang kinain ng sistema ng teknolohiya ang mga kabataan dahil may mga batang naglalaro pa sa lansangan. Hindi nawala ang pagkahilig ko sa mga bata, siguro ay namana ko ito kay Mommy na nag-alaga sa akin dahil mahilig din siya sa bata, iyon nga ang dahilan kung bakit niya ako inampon noon. Baby pa lang daw ako ay marunong na akong maglambing at naakit raw siya sa mga ngiti ko sa tuwing binubuhat niya ako. Akalain mong may naakit sa ngiting ito. Dahil sa narinig ko ay napalingon ako nang biglaan pero hindi ko napansin na may tao sa likod ko na abala sa pagtingin sa kanyang cell phone kaya nabunggo ko siya dahilan para mahulog ang cell phone niya. Narinig kong napamura siya kaya kinabahan naman ako, hindi ko naman iyon sinasadya. “I’m sorry,” sabi ko pa sa kanya sabay pulot ng cell phone niya at kaagad ko naman iniabot sa kanya noong nakatayo na ako. “It’s fine,” sagot niya kaya nagkatinginan kaming dalawa. Hindi kita ang mukha niya dahil naka-baseball cap siyang itim at may face mask din siyang itim. Actually, all black pala ang suot niya. Hindi nga kaagad ako kumilos dahil medyo kinabahan ako sa suot niya pero hindi naman sa nanghuhusga, nagulat lang ako sa porma niya. Pagkatapos naming magtitigan ng ilang segundo ay muli na kaming naglakad palayo sa isa’t-isa. Hanggang sa pinanood ko ang mga batang naglalaro pa rin. Hindi naman nagtagal ay tumawag na si Kuya Angelo at bumalik na ako sa sasakyan. Nawala ang pagiging madaldal ko kanina kaya pumikit na lang ako habang pauwi kami sa bahay. Tuwang-tuwa na sana ako sa mga bata kanina pero hindi mawala sa isip ko ang muli naming pagkikita. Nagkita ulit kami pagkalipas lang ng ilang oras na pagbabalik ko sa Pilipinas. Hindi ba masyado namang mapaglaro ang tadhana? Nakatago man ang buong mukha niya . . . alam na alam ko naman ang ganoong klase ng titig. Alam na alam ko ang boses na iyon. Kilala ko kung sino siya, kilalang-kilala ko ang mga matang iyon. It was Ezekiel’s eyes. And I don’t understand why I have this strange feeling again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD