Lauren's POV
Hindi pa makauuwi rito si Nate dahil marami pa siyang ginagawa sa Canada pero magsisimula na akong mag-ayos ng business, hindi naman niya ako nakalilimutang i-guide. Nakapapagod ang pakikipag-kuwentuhan at party sa mga kaibigan ko kagabi pero naging masaya naman ako at aminado naman akong namiss ko silang lahat. Nabanggit nila na hindi makararating si Ezekiel dahil busy ito sa trabaho. Hindi ko naman iyon kinuwestiyon dahil alam ko naman kung gaano siya ka-busy. Sa akin nga ay nawalan ng oras, sa mga ganitong bagay pa kaya? Oh, damn, napaka-bitter na naman ng dating ko!
Hindi ko na lang sinabi na nakita ko siya dahil baka guni-guni o imagination ko lang din naman iyon. Hindi naman ako sigurado kung siya iyon. Puwede rin naman na hindi siya ang nakita ko dahil baka marami naman siyang kamukha ng mata. Jet lag lang din siguro iyon. Sabihin na lang natin na hindi nag-iisa ang ganoong mata. Mga matang mapapaniwala ka talaga. Ang bitter talaga. Tss.
Wala ngang ginawa si Kelly kung hindi bungangaan ako at sobrang dami niyang sinabi na parang wala manlang akong natandaan. Ganoon siya sumalubong sa akin. Pambihirang buhay ito. Kahit ganoon ang kaibigan ko ay miss na miss ko naman talaga siya.
Bago ko puntahan ang pinagawa kong maliit na opisina ay dumalaw ako sa mga mahal ko – Grandma, Mommy at Lawrence. Mahirap na kung sila pa ang dadalaw sa akin. Isinasama ko nga si Grandpa para maikuwento na rin niya ang love story nila ni Grandma pero sa susunod na lang daw niya iyon sasabihin sa akin kapag may boyfriend na ako dahil baka mainggit lang daw ako. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagmamahal sa akin ni Grandpa noong mga oras na iyon.
Sobrang mapaglaro naman yata ang tadhana at pilit pa rin kaming pinaglalapit ng isang ito. Ayaw ko na pero heto na naman at pinagtagpo na naman kaming dalawa. Nakumpirma ko pa na siya ang nakita ko kagabi dahil suot pa rin niya ang all black na suot kagabi. Ayaw na ayaw talaga niya na idine-deny ko siya ’no? Kakampi pa rin ba niya ang tadhana sa mga oras na ito?
Napaka-perpekto naman ng mga oras na ito at pinagtatagpo kaming dalawa ng tadhana. Again, I didn’t mean it in a romantic way. Naalala ko na ganoon din ang sinabi ko noon dahil madalas kaming nagkikita.
Ang kaibahan lang ay wala siyang mask ngayon para magtago sa mga taong nakakakilala sa kanya. Sana ay ngayon na lang niya naisipang mag-mask para hindi ko nakikita ang ka-guwapuhan niya . . . ibig kong sabihin ay ang buong mukha niya.
Halatang kadarating lang niya dahil naabutan ko pa ang pagpasok niya sa lugar kung nasaan ang puntod ng mga mahal ko.
Alanganin naman na umatras ako kaya pumasok din ako na hindi siya tinitingnan. Hindi naman dapat ako ang mahiya sa kanya. Kahit may espasiyo sa pagitan naming dalawa ay amoy na amoy ko ang mahalimuyak niyang pabango.
Damn those perfume. It reminds me of our past. Lahat na lang ng nakaraan ay ipinaaalala sa akin! Malapit ko nang isipin na sumpa ang pagkakaroon ko ng magandang memorya sa mga ganitong bagay!
Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng pabango. Alam naman ng lahat ng malalapit sa amin na gustong-gusto kong naaamoy ang pabango ni Ezekiel na iyon. Mukhang namiss ko ang amoy na iyon dahil wala akong naamoy na ganito sa Canada. Take note, amoy lang ang namiss ko at hindi ang taong inaamoy ko na nagmamay-ari ng pabango na iyon. Napaka-defensive ng dating ko ngayon.
Tahimik lang kaming dalawa at expressionless. Not that I’m looking at his face, naaninag ko lang na walang ekspresiyon sa mukha niya.
Teka nga. Bakit ba kanina pa ako nagpapaliwanag sa sarili ko?
“Welcome back, Lauren.” Narinig kong nagsalita siya. Hindi naman ako ganoong kabastos kaya nagpasalamat ako sa sinabi niya. Naramdaman ko rin naman na napilitan lang siyang kausapin ako dahil kaming dalawa lang ang nandito. O baka may nakasunod sa kanya kaya mabait siya sa akin ngayon? Bahala na nga, masyado na akong maraming iniisip para idagdag pa iyon.
Gusto ko pa sanang magtagal doon pero ayaw kong nandoon na kasama si Ezekiel kaya pagkaraan ng ilang minuto noong inilagay ko ang bulaklak na dala ay nagsimula na akong maglakad palayo pero tinawag ako ni Ezekiel kaya napalingon ako.
“You can stay, Lauren. Paalis na rin naman ako,” sabi pa niya.
Tumalikod ulit ako para hindi niya makita ang pag-irap na ginawa ko. I exhaled before saying, “I don’t care kung paalis ka na. Hindi naman ako guwardiya rito para ipaalam mo sa akin. Bakit mo ako pinag-i-stay? May gagawin pa ako so don’t order me around.” Kung minsan ang sarap din palakpakan ng sarili ko sa mga naisasagot ko sa kanya. Kulang pa yata iyon ’no? Baka hindi pa rin niya naramdaman na hindi ako masaya na nakita ko siya? Manhid na ba talaga siya? Badtrip talaga. Ayaw ko ngang nakikita siya kaya sana ay hindi na muling mag-krus ang landas naming dalawa.
MAINIT TULOY ANG ULO ko noong dumating ako sa opisina. Mando ako nang mando sa mga gagawin nila, sa palagay ko nga ay natatakot na sila sa akin dahil ngayon lang kami nagkita ng mga nag-aayos doon pero sinusungitan ko kaagad.
Sanay naman sila sa pagiging istrikto ko pagdating sa trabaho dahil kahit noong nasa Canada ako ay namomonitor ko pa rin naman lahat sa tulong na rin ni Nate.
Mabuti na lang din at dinalaw ako ni Kelly para kahit papaano ay siya ang pumipigil sa akin sa pagiging ubod ng taray sa mga naka-uusap ko.
“Parang timang ka naman, Renren. Kanina pa mainit ang ulo mo, ano ba ang nangyari? Huminto ka nga muna sa kaiikot mo riyan! Kanina ka pa paikot-ikot, hindi naman aalis ang mga upuan mo na iyan.”
Ano pa nga bang inaasahan ko? Nanay na nanay na itong kaibigan ko. When I say nanay na nanay I didn’t think of it as an insult, I said it because she became really responsible.
“Istorbo ka,” pagbibiro ko naman sa kanya at nakuha pang umirap sa akin. Akala ko ba ay ayaw niyang umiirap ako? Mukhang may nahawa na naman sa akin, ah? Palibhasa ay busy sa pag-aalaga si Mama Fe at ang Papa niya kaya nakagagala siya. Binibiro ko lang din naman dahil ngayon lang siya nakalalabas ng bahay.
Kinuha ko ang pagkain namin at umupo kaming dalawa para makapag-usap. Lahat yata ng nangyari sa akin noong nakaraang taon ay gusto niyang ipa-kuwento sa akin. Isa siya sa mga badtrip na badtrip sa akin noong hindi ko kaagad sinabi na hindi muna ako babalik sa Pilipinas. Matagal-tagal din niya akong hindi pinapansin noon pero hindi naman namin natiis ang isa’t-isa. Tama nga na hindi distansiya ang makapagbabago ng pagkakaibigan bagkus iyon pa ang posibleng maging dahilan para sa mas matibay na samahan.
“Sinabi ko naman sa iyo na aasikasuhin kita kapag pinupuntahan mo ako na kasama ang inaank ko, hindi ba? Bakit mo ba iniwan?”
“Naku, minsan lang ako makaalis ng bahay na hindi kasama si Elly kaya hayaan mo na. Dinalaw ni Dan sina Mama Fe kaya hayaan mong si Dan naman ang mag-asikaso sa anak namin. Hanap ka nang hanap sa anak ko samantalang wala ka namang ipinapakilalang ninong sa anak ko!”
Here we go again, ang galing din mang-asar ng isang ito. I rolled my eyes and said, “Huwag ako ang hanapan mo. Ang daming ninong ng anak mo, bakit sa akin ka pa naghahanap? Bwiset ka talagang babae ka.” Natural na ito sa amin at lambingan na namin ito.
“So where is this guy? Ano nga ulit ang pangalan niya? Nate ba?”
“What about him?”
“Kailan mo ipakikilala sa akin ang boyfriend mo?” she asked.
“Kelly, he is not my boyfriend. Baka isipin pa ng iba na boyfriend ko siya dahil ganiyan ang sinasabi mo. We are friends and partners, you know.”
She sighed. “Hindi pa. Hindi mo pa boyfriend. Hindi hamak naman na mas mature siya mag-isip kaysa sa ibang mong manliligaw noon. Tsaka ang tagal na niyang nanliligaw sa iyo, siguro naman ay may pag-asa na siya sa iyo.” Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko gusto na pinag-uusapan ang tungkol sa amin ni Nate ngayon. Hindi ko alam, gusto ko lang ng katahimikan sa lahat ng bagay. Ang weird ko naman, pati pala kay Kelly ay gusto kong maging tahimik. Maninibago siya sa ganoong bagay. “Unless . . . you were still thinking about you ex-boyfriend,” she continued.
Hindi ko pinansin ang kumento niyang iyong tungkol kay Ezekiel. Mas lalo naman na ayaw ko siyang pag-usapan. Isa pa, inamin ko naman kay Nate na pagkakaibigan lang ang kaya kong i-offer sa kanya pero wala namang nagbago sa pagiging gentleman niya. Hindi ko rin naman masasabi, mahalaga siya sa akin.
“Ang ganda ko naman pala ’no? Kung magsabi ka ng manliligaw ko noon ay parang ang dami naman nila ’no? Huwag mo akong pag-isipin, Kelly. Pumunta ka rito para kumain, hindi ba? Kumain na tayo!”
“Kaya ka pala tumataba, puro pagkain ang nasa isip mo.” Hindi ito ang unang pagkakataon na may pumuna sa aking taba. Hindi nga kasi ito taba dahil laman lang ito! Baka nga mas dumami pa dahil sa palagi nilang pagpansin sa mga taba ko! “Iniwasan mo ang topic na iyon, ah? Nagtatanong lang naman ako. Hindi mo ba talaga namiss si Ezekiel?” I let my lips form into a smile when she said Ezekiel the way I said his name. Sinadya niya talagang tawagin siyang Ezekiel habang ginagaya pa ang boses at tono ko kaya napangiti ako.
Hindi ko namalayan na matagal-tagal akong nakangiti. Siyempre, may panibagong tanong si Kelly.
“Napangiti ka ba na tinawag ko rin siyang Ezekiel? May something special pa rin ba sa tawagan niyo?”
I shook my head. “Wala, napangiti lang talaga ako. Ang galing mo mang-asar, eh.”
“Buti na lang at hindi siya nagpunta sa welcome party niyo ’no? I bet it will be awkward.”
Naalala ko na naman ang ilang beses naming pagkikita ni Ezekiel. Masyado naman akong pinaglalaruan ng tadhana. Affected pa rin ako pero alam ko naman na wala na siyang nararamdaman sa akin. Nakita ko iyon sa mga mata niya, ayaw ko na lang din isipin. Bahala na siya sa buhay niya at bahala na ako sa buhay ko.
“I met him twice already, Kelly,” I whispered while chewing the food. “But it was nothing . . . I’m serious, it was nothing.”
What is happening to me? Why am I convincing myself? Am I still not okay? Am I still holding on with our memories? Damn. I hate him! Why am I always defending my thoughts about him? Why am I even thinking about him?