Chapter 5 - Love Guru

1622 Words
Lauren's POV Maayos naman kaming nag-uusap ni Kelly habang kumakain sa opisina ko noong ginulat niya ako sa malakas na paghampas niya sa table. Napalingon pa nga pati ang ibang kumakain na kasama ko sa pag-aayos ng mga gamit dahil sa ginawa ni Kelly, kahit na masungit ako sa kanila kanina ay humingi ako ng tawad sa panggugulat na nagawa ng kaibigan ko. Ang sarap din hambalusin ng isang ito. Ano ba ang nakagugulat sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na dalawang beses na kaming nagkikita ni Ezekiel simula noong bumalik ako. Inirapan ko talaga siya dahil sa ginawa niya. Akala ko pa naman ay hindi ko na hobby ang pag-irap ngunit napatunayan ko lang na hindi na mawawala sa sistema ko ang pag-irap sa tuwing naiinis ako. “Kelly, what’s wrong? Ginugulat mo pati ang ibang tao!” “Lihim pala kayong nagkikita ni Kiel? Kaya naman pala kunwari rin ang isang iyon na tahimik kapag pinag-uusapan ka namin ni Dan ay dahil may solo time naman pala kayo! Gaga ka! Paano si Nate? Akala ko pa naman ay nahuhulog ka na rin sa kanya. Pambihira naman talaga! Sabi na nga ba, hindi niyo kayang pakawalan ang isa’t-isa.” Hindi rin talaga marunong mag-preno ang kaibigan ko ’no? Isipin mo ba naman na sinabi ko lang sa kanya na nagkita na kami ni Ezekiel ay parang may buod na kaagad siya sa mga nangyari o mangyayari. “Tingnan mo nga naman, ayaw mong nakikipagkita sa akin kapag hindi ko kasama si Elly samantalang lihim kayong nagkikita ni Kiel. Inaasahan ko pa naman na hindi na natin pag-uusapan si Kiel at malinaw na malinaw na nagkamali ako. Bwiset, talo ako sa pustahan namin ni Dan!” sigaw pa niya. Napahinto ako sa pagkain. Si Kelly lang talaga ang madalas na nagiging dahilan ng paghinto ko sa pagkain para titigan siya. She is unbelievable! “Ganiyan ba talaga kapag nanganak na? Dati ay ayaw mong dumadaldal ako pero bakit ang sakit mo sa tainga ngayon? Kailan ka pa sumobra sa kadaldalan?” She laughed. “So naiintidihan mo na kung gaano ako ka-tiyaga sa pagiging madaldal mo noon? Sobra-sobrang pagtitiis din ang inabot ko sa iyo.” Umiling lang ako. Siyempre, itatanggi ko iyon. Tahimik lang ako noon pero naging madaldal na rin. “Tumigil na tayo. Parehas naman tayong madaldal kaya nga nagkasundo tayong dalawa, hindi ba?” “Whatever,” sagot ko naman sabay kain ulit ng pagkain. Masamang pinaghihintay ang pagkain. Hindi bale na ikaw ang maghintay sa isang tao kaysa pagkain ang paghihintayin mo! Biro lang. Inilapit pa niya ang upuan niya sa akin na akala mo naman ay may nakikinig sa usapan namin. Lumapit siya para bumulong at magtanong ng, “So ano nga? Magkuwento ka na nga. Natitiis mo na ang mag-sikreto sa akin, ah.” “You jumped into conclusions so why would I bother myself to talk about it? May kulang pa ba sa conclusion na sinabi mo? First and foremost, we never talked about seeing each other again, okay? We never talked.” Lumayo ulit siya sa akin, akala yata niya ay mahahampas ko na siya sa kakulitan niya. “Ay, ang taray ng kaibigan ko. Akala mo naman naka-move on na,” kumento pa niya ngunit pabulong na ang mga huling salita kaya hindi ko na naintindihan. “Hindi ko inaasahan na magkikita kami kaya huwag na natin pag-usapan. Banggit ka nang banggit sa kanya, nabanggit mo na rin lahat ng iniisip mo tungkol sa amin ni Ezekiel. Nakuha niyo pa kaming pagpustahang mag-asawa, ah!” “Come on, admit it. I’m not your very best friend for nothing.” “What do you mean, Kelly?” Tiningnan niya ako sa mga mata bago sagutin ang tanong ko. “Sabi nga nila . . . after break up, someone stays single because that person stays in love with the same person. We all know that Ezekiel had a relationship after you guys broke up. Marami siyang naka-date na babae na malamang ay updated ka dahil nakikita mo naman iyon sa social media, kahit yata ang pakikipagkita lang sa isang sikat na modelo ay ibinabalita nila kahit wala naman iyong ibig sabihin. So . . .” Walangya. Hindi ko alam na nagkaroon ng ibang ka-relasyon si Ezekiel noong naghiwalay kami. Hindi ko rin alam kung ano ang totoo at fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Avery ay mayroon pa ba siyang naka-relasyon? Naghiwalay na ba sila? Napa-isip din ako sa sinabi ni Kelly. I stayed single but it doesn’t mean that I’m still in love with Ezekiel. Hindi naman ako nanatiling single dahil sa ganoong dahilan. It’s my choice! May ganito pa kasi na nalalaman si Kelly, hindi na lang diretsuhin ang ipinupunto niya at kailangan pang mag-isip ako nang mag-isip. Single ako pero choice ko iyon. Bakit pakiramdam ko ay kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa pagiging single? Marami namang single pero hindi na nila kailangamg ipaliwanag! Pambihira talaga! Mayamaya ay narinig ko ang humahagalpak na tawa ni Kelly. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinanonood siya at hinihintay na matapos ang pagtawa niya. “See? Tinutulungan na nga kitang intindihin ang sarili mo, Renren. Sa tingin ko naman ay nakatutulong ako sa iyo, hindi ba? Maniwala ka sa akin dahil kaibigan mo ako at hindi kita ipahahamak. Maniwala ka sa akin dahil kahit pilitin mong magpanggap sa harap naming lahat ay nalalaman ko pa rin kung kailan ka nagpapanggap at umiiwas. Akala ko naman ay mali ako pero mukhang manang-mana tayo sa mga ninuno natin na naniniwala sa poreber kaya todo-todo rin tayo sa pagbibigay ng mga pagkakataon sa ating lover.” I have no idea where this conversation is heading. O kung may patutunguhan ba talaga ang pag-uusap namin na ito. Gusto lang yata niya na magkaroon ng rhyme ang sinasabi niya kaya may nalalaman pa siyang forever at lover. Mas maganda yata kung hindi na lang talaga ako pumayag na magpunta siya rito ’no? Ano ba ang sinasabi niya na tinutulungan niya akong intindihin ang sarili ko? Siya lang naman itong magulo na hindi ko maintindihan. “You acted like a strong woman in front of everyone but you can’t fool me. I’ve done something like that before, Renren. Marami akong ginawang shield para protektahan ang sarili ko sa sakit na puwedeng iparamdam sa akin ng mga lalaki at alam mo naman ang lahat ng iyon pero alam mo kung ano ang natutunan ko? Sa sobrang pagpo-protekta sa sarili ko ay hindi ko namalayan na hinaharang na rin pala ng proteksiyon na iyon ang pagmamahal na posible kong maramdaman sa ibang tao. You know, you can guard your heart without blocking their love. Magtayo ka ng wall para hindi lubusang masaktan pero hindi mo itinayo ang wall na iyon para harangan ang mga tao sa pagpaparamdam na mahal ka nila. Ginawa ko na iyon noon, hindi ba? Inilalayo mo ang sarili mo sa amin at sana huwag mo na iyon ulitin.” Napa-tunganga ako sa mga sinabi niya. “Kelly? Where’s my friend? Ibalik mo ang kaibigan ko!” Parang hindi talaga si Kelly ang kaharap ko ngayon dahil sa mga sinasabi niya. Naguluhan ako. Ano ba ang pinag-uusapan namin? “Bakit parang iba na ang pinag-uusapan natin? Nagiging ma-drama ka na rin ba?” “Iniiwasan mo pa rin ang ganitong pag-uusap, ah? Imbento ko lang ang sinabi kong in love pa rin ang isang tao kapag single pa pero mukhang napa-isip ka. Posible naman iyon pero puwede naman na sabihin mo kaagad sa akin na choice mo iyon pero nakapagtataka na napa-isip ka kung mahal mo pa si Kiel. I knew it! It feels like I became a love guru!” “Come on, shut up, Kelly!” Iisipin ko na lang ulit kung paano ko nga ba siya naging kaibigan. Totoo naman, napa-isip lang ako kung mahal ko pa si Ezekiel pero iyon lang iyon. Pinaninindigan ko talaga ang pagiging defensive lalo na kapag si Ezekiel ang pinag-uusapan. But I was really thinking if I stayed single because I still want Ezekiel in my life. Nandiyan naman si Nate pero bakit pinaghihintay ko pa siya? Kung mahal ko naman siya ay dapat ko na kaagad sagutin, hindi ba? Nasanay lang ba ako sa pagbibigay ng pagkakataon kay Ezekiel kaya kahit sobrang nasaktan na ako at paulit-ulit ang sakit na nararamdaman ko ay hinihintay ko pa rin ba siyang bumalik? Worth it pa ba ngayon kung pagaganahin ko pa rin ang paghihintay at paniniwala sa pagmamahalan na mayroon kami noon? Akala ko pa naman ay natuto na ako sa mga nangyari sa amin noon pero mukhang nagbabago ang isip ko kapag nakikita ko siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit lumayo na naman ako? “See? You are still thinking about it. Parang tanga naman tayo, Renren. Alam mo rin naman kung gaano ako sinaktan ni Dan pero nagtiwala akong muli sa kanya at sa pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin kaya hanggang ngayon ay masaya kaming dalawa. Bakit ba puro ka na lang pagdududa sa kanya? Natatakot ka na naman masaktan? Nasaan na ang kaibigan ko na risk taker? Nakalimutan mo na ba iyon noong nagpunta ka sa Canada?” “Bakit ganiyan ang sinasabi mo? Sinasabi mo bang mahal ko pa siya? Bakit? Sa tingin mo ba ay mahal pa rin niya ako?” “Come on, bulag ba kayong dalawa? Gosh! I can't believe it! Bahala na kayong tumuklas sa ganiyang bagay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tutulong kaming mga kaibigan niyo. Baka nga kailangan niyong maghiwalay dahil parehas na mataas ang pride niyo.” “I don't get it, Kelly.” She smirked. “It's okay. Sarili mo nga ay hindi mo maintindihan kaya hindi ako nag-e-expect na maiintindihan mo ako ngayon.” Gosh! She is making me sick!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD