Lauren’s POV “Ano po ang sinabi mo, Grandpa?” pagtatanong ko. “This is just based on Kiel’s story. He saw you and Nate kissing. Iyon ang dahilan kung bakit nasaktan mo rin siya, Renren. Kung gusto mong makalimutan si Kiel noon, ganoon na na lang din ang kagustuhan niyang makalimutan ka at doon na magsimula ang pagputok ng issue sa kanila ni Avery. Doon nagsimula ang sama ng loob niyo sa isa’t isa. Sinabi ko naman sa iyo na dapat kayong mag-usap pero ayaw ko naman iyon ipilit sa iyo dahil alam ko na ring nahihirapan ka sa paghihiwalay niyo. Iniisip mong pinili niya ang pangarap niya para magkaroon sila ng relasyon ni Avery samantalang iniisip naman niya na kaya napadali sa iyong tanggapin na wala na kayo ay dahil kay Nate. “Kung tutuusin ay kaya naman sanang gawan ng paraan ang naging pr

