Lauren’s POV Huminga ako nang malalim bago bumaba sa sasakyan ko. Ipinarada ko iyon sa labas kahit na sinabi nila sa akin na may nakalaang parking area sa loob. Ayaw kong makuha ang atensyon nila kaya maglalakad lang ako papunta sa loob ng bahay nila. Nang makarating naman ako sa gate nila ay tumayo lang ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa tuwing itataas ko iyon para buksan ang maliit na gate. Naririnig mula sa labas ang ingay mula sa party sa loob. It is my real parents’ anniversary. Hindi naman daw malaking selebrasyon kaya pumayag akong pumunta dahil ang sabi nila sa akin ay pamilya at kaibigan lang ang dadalo pero kapag mayaman, kahit sabihin nilang simple ay iba pa rin sa mga katulad ko na hindi naman lumaki sa marangyang bahay na may mara

