Ezekiel’s POV Hindi ko mapigilan na mapalingon kina Nate at Lauren noong bumalik sila sa loob. Ano kaya ang nangyari? Halos hindi ko na makita ang Lauren na sobrang nagsusungit ngayon dahil malawak na ang ngiti niya at nakikipagtawanan pa siya kay Nate ngayon. Umaasa ako na kahit kaunti ay may pagseselos siya na nararamdaman sa amin ni Avery dahil na rin sa paraan ang pagsasalita niya kanina. Kung paano niya ipagduldulan na wala siya pakialam sa akin na hindi binabanggit ang pangalan ko habang kausap niya si Avery. Umasa lang ako dahil akala ko ay mahal pa niya ako. Nandito na nga pala si Nate. Bakit ba hindi ko na lang siya hayaan na maging masaya? Bakit nagtatanong pa ako sa kanya ng kung ano-ano at bakit nilalapitan ko pa rin siya kahit na alam kong ayaw na niya sa akin? Hindi na ma

