Lauren’s POV Nang matapos kaming mag-asaran ni Nate ay dumating na ang order niyang pagkain kaya naman hindi na ulit kami nag-asaran. Siyempre, pagkain naman ang pinagtuunan namin ng pansin. Kapag kumakain pa naman kami ay nagiging makulit din siya pero dahil tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin habang kumakain ay nagiging seryoso siya kaya nahahawa rin ako sa pagiging seryoso niya. Naisip ko na naman ang mga posibilidad na maaaring mangyari kapag hindi naging maayos ang pagpapalakad ko sa negosiyo na ito. Kung tutuusin ay hindi naman kailangan ni Nate magpunta rito sa opisina namin pero makulit siya at gusto raw niyang manood dito kaya hinayaan ko na lang. Isa pa, wala raw naman siyang pupuntahan kaya mas okay na raw na ako ang kasama niya. Ipinaalala ko nga ang plano niyang pagd

