Lauren’s POV Hinihintay ko pa si Ezekiel ngayon dahil may pangako pa siyang date sa akin na hindi ko itinuloy noong nakaraang araw dahil sa red alert! Ayaw ko naman na matandaan ang espesiyal na araw na iyon na may mantsa ang pantalon ko. Maaga pa nga iyon at gusto ko sana ituloy namin ang date na iyon para masulit naman ang hindi niya pagpasok sa trabaho ngunit nag-enjoy yata sila ni Mommy Pia na mag-usap kaya hindi na kami pinaalis kaya sinabi ko sa kanya na Sabado na lang namin iyon ituloy para hindi na siya maabala sa pagtatrabaho. Sinabi ko naman sa Tito Gavin niya na kakausapin ko na lang si Ezekiel kapag walang pasok pero sila pa ang nagplano ni Tita Mads na sa opisina ako dumiretso dahil alam nila ang balak kong pakikipagbalikan. Nakausap ko sila noong inihatid ko si Ezekiel para

