Ezekiel’s POV Mukhang alam ni Daddy na mangyayari ito dahil kakausapin ko pa lang sana siya para magpaalam na aalis kami ni Lauren ay tumango na siya at hindi na hinintay na matapos ko ang sasabihin ko. Tinawag ko pa nga lang siya ay tumatango na at kumakaway na ang kamay niya para sabihin na umalis na kami. Nalaman ko rin na wala palang dalang sasakyan si Lauren dahil nagpahatid siya kay Tito Gerald kanina. “Ayaw mo pa rin bang magdrive ulit?” tanong ko sa kanya. Akala ko pa naman ay nakaya na niya iyon dahil naikuwento sa akin ni Kianna na nakapag-da-drive na ulit siya. “Totoong tinamad lang ako kanina at paalis na si Daddy noong lumabas ako sa bahay kaya nagpahatid na ako rito.” Napangiti ako noong napansin kong ibinaba niya ang bintana niya. Akala ko nga ay ganoon pa rin ang ginaga

