Ezekiel’s POV “Seryoso ka ba? Wala kang ibang sinabi?” pangungulit ko sa kanya habang nakahawak pa sa pisngi ko na kanina lang ay dinapuan ng palad niya. “Pambihira! Wala nga akong sinabi bukod doon. Ano ba ang narinig mo?” tanong niya pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya dahil baka mas maramdaman ko pa ang init ng ulo niya. “Ganiyan mo ba sabihin sa akin na ayaw mong ako ang kausap mo ngayon?” tanong pa niya. “Hindi naman. Nandiyan ba si Nate?” tanong ko rin sa kanya dahil pakiramdam ko ay siya na ang naiilang dahil sa nangyari kanina. Iniisip ko lang na kung nandito si Nate, baka mas okay na parehas kaming lalaki para hindi na kung ano-ano ang naiisip ng malawak kong imahinasiyon. Wala nga akong ideya sa gustong disenyo ni Daddy para sa furniture na sinasabi ni Lauren. Tiyak na pasad

