Ezekiel’s POV I had a severe headache when I woke up. Grabe naman itong sakit ng ulo ko ngayon! Halos ilang beses din akong pumikit habang nakahawak sa ulo para mawala ang sakit nito, may nakahandang tubig sa gilid ng kama ko kaya kaagad ko iyong ininom. Hindi ito ang unang pagkakataon na sobrang sakit ng ulo ko dahil sa paglalasing namin ng mga kaibigan ko. At palagi pa talaga nila pinipiling uminom sa bahay nina Angelo! Wala naman doon si Lauren kapag umiinom kami kaya marami kaming naiinom. Hindi ko na nga matandaan kung paano ulit ako nakauwi. Paano nga ba ako nakauwi? Kadalasan ay si Angelo o Dan ang naghahatid sa akin pero sigurado naman ako na hindi sila ang naghatid sa akin dahil mas nauna pa silang malasing kaysa sa akin. Ang mahalaga ay nakauwi ako! Ilang gabi na kaming naglala

