Lauren’s POV Sa tingin ko ay nakahalata sina Mommy, Daddy at Grandpa na may iniisip na naman ako ngayon kaya kahit ayaw kong umalis sa bahay ay pinilit nila ako para sumama sa pamamasyal nila. Kasama rin naman ang bunsong kapatid ko na si Jace kaya kahit papaano ay nalilibang ako. Humiwalay lang kami ni Grandpa dahil may bibilhin daw siya at nagpasama sa akin habang sina Mommy naman ay dinala sa laruan si Jace. “Grandpa, may sasabihin ka po ba? Kanina ka pa po nakatingin sa akin.” Ano kaya ang gustong sabihin ni Grandpa? Baka magbago na naman ang isip ko kapag may sinabi siya ngayon. Hay naku! “Aba, bakit? Masama na bang tingnan ang maganda kong apo ngayon?” Umiling ako. Nakuha pa talaga ni Grandpa na bolahin ako. Kahit naging maayos ang pag-uusapan namin nina Mommy Lucy at Daddy Henr

