Ezekiel’s POV I said it. I did it. But I’m still worrying why I’m not happy about it. Sino nga bang magiging masaya kapag pinalaya mo na ang taong gusto mong makasama pa? Kasalanan ko naman kung bakit kailangan kong umabot sa ganitong desisyon kaya karapat-dapat na makaramdam ako ng ganitong sakit. Dalawang linggo na rin ang nakalipas noong tinanggap ko na kailangan ko na palayain si Lauren para tuluyan na siyang makawala sa p*******t ko sa kanya. Mahal ko pa rin siya at kahit gusto ko pang ilaban ang pagmamahal na minsan kong sinayang ngunit hindi ko na magawa dahil palagi na lang siyang nasasaktan tuwing lumalapit ako sa kanya. Matagal na ang p*******t na nagawa ko sa kanya kaya tama na ang panahon na ito para tumigil na ako. Ang hindi ko lang sigurado ay kung kaya kong panindigan ang

