Lauren’s POV Why am I feeling this again? Dapat nga ay maging masaya ako na nawakasan na ang pangungulit ni Ezekiel at maayos pa kaming nakapag-usap. Noon ay gustong-gusto ko na makapag-usap kami nang maayos pero ayaw niya noon dahil palaging mainit ang ulo niya pagkatapos ay noong ako naman ang gusto niyang kausapin, ako naman ang mainit ang ulo at palaging nang-aaway. Ito ang gusto ko pero bakit hindi pa rin ako masaya ngayon? I feel so empty, alone and . . . lonely. Nagsimula ang ganitong lungkot na naramdaman ko noong sa tingin ko ay wala na kaming pag-asa na magka-ayos nina Avery at Mommy Lucy pagkatapos ay dumagdag pa ang pagkausap sa akin ni Ezekiel na kahit gusto kong mangyari ay hindi ko naman inaasahan na ganito ang mararamdaman ko. Sa tuwing naaalala ko lang kung paano namin

