Lauren’s POV I have a date with Ezekiel. Yes, you read it right. I’m with Ezekiel! I was expecting Kianna though! Si Kianna ang kausap at dapat na kikitain ko rito pero siya ang dumating. Nagpaliwanag naman siya na tatawagan na sana ulit ako ni Kianna para sabihin na may emergency kaya ipagpapaliban muna ang date namin noong pinigilan siya ni Ezekiel at sinabi na siya na lang ang pupunta. Bilang supportive na kapatid ay pumayag naman si Kianna. Nilinaw pa ni Ezekiel na huwag akong magagalit kay Kianna dahil siya ang nagplano nito. Tahimik lang kaming kumakain ngayon. Napapansin kong tinitingnan niya ako at kapag gumaganti naman ako ng tingin ay kaagad siyang umiiwas sa akin. Biglang nagbago, ah? Samantalang noon ay tuwang-tuwa siya kapag naiilang ako sa titig niya. “Hindi bagay sa iyo

